Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Target magkaroon ng solo concert… SanFo based singer-dancer JC Garcia balik-Filipinas na

Naging masaya’t productive ang pag­diriwang ng Christmas ni JC Garcia, sa San Francisco. Bukod sa nakapag-share sila ng lu­mang toys para sa mga bata ay naka­sama ni JC ang ilan sa kanyang special friends na kasama rin niyang nag-celebrate ng New Year.

And this 2020 hangad ng nasabing recording artist/dancer/choreographer (JC) na mas maging maganda pa ang kanyang taon lalo sa kanyang singing career na nakatakda niyang i-promote ang kanyang hugot song na Paalam, composed by Richard Tanhueco na composer din ng kanyang song na Magbago Ka. Napapakinggan ito sa show naming Star na Star sa DWIZ with my BFF Pete Ampoloquio, Jr., and Abe Paulite a.k.a Papa Umang at sa internet radio show ni JC na It’s Showtime sa Fil-Am Radio sa Sanfo Bay Area.

In fairness, parami nang parami ang followers ni JC sa kanyang show.

By the way, this month ay balik Filipinas si JC, at target niyang magkaroon ng solo concert sa magandang venue. Hindi lang ‘yan baka magkaroon din ng fund raising concert si JC para sa dating school at ang 50% sa kikitain ng show ay kanyang ido-donate rito. Habang nasa bansa ay nakatak­dang bumisita si JC sa kanyang close friend na si Loraine (Veronica Jones), sa ninang na si Divina Valencia na matalik na kaibigan ng kanyang namayapang ama, ang aktor na si Bino Garcia.

Naka-schedule na rin ang guesting niya sa Star na Star sa January 20 at posibleng ilan pang radio and TV guestings. Bago pa ang flight ni JC sa Manila ay pupunta muna siya sa Taipei Taiwan para pumasyal sa Taipei 101 Tower, na pinaka-tallest tower sa nasabing bansa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …