Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Posibleng umabot sa P200-M ang kita… 3Pol Trobol ni Coco Martin ipapalabas din sa iba’t ibang bansa

AS of presstime malapit na sa P100-million mark ang kita sa takilya ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ni Coco Martin. Base sa ranking ng top grossers movies sa MMFF 2019 ay pumapangatlo si Coco and in fairness may mga sinehan pa rin hanggang ngayon ang pelikula ng actor at patuloy na pinag-uusapan ang spark lalo ang kanyang Paloma character na bukambibig ng marami gayondin ang tambalan nina Coco at Jennylyn Mercado na may chemistry.

At sabi ay posibleng maka-P200-M ang 3Pol Trobol dahil ngayong buwan ay may international screening ito sa ilang parte sa Europe tulad ng Milan, Italy, Madrid Spain at Paris, France bukod pa sa international booking sa ibang kontinente.

I’m sure happy si Coco at ang buong cast ng 3Pol Trobol dahil bukod sa marami silang napasaya ay kumita pa ang kanilang pelikula. Maganda pa rin ang pasok ng 2020 para sa Primetime King at Hari ng teleserye aside sa kanyang FPJ’s Ang Probinsyano na patuloy na nangungunang show sa buong bansa. Abala rin si Coco sa shooting ng movie nila ni Angelica dela Cruz sa Star Cinema at naisisingit rin niya ang shoot para sa mga bagong endorsements.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …