Saturday , November 16 2024

Para sa Traslacion 2020: Zero vendor sa Quiapo, utos ni yorme

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang zero vendor policy sa darating na pista ng Itim na Nazareno sa 9 Enero 2020.

Hindi papayagan ni Isko na makapagtinda ang ambulant vendors partikular sa kasagsagan ng  Traslacion 2020.

Ang pagbabawal ay ipinahayag ni Mayor Isko sa kanyang “The Capital Report” na nagpa­pa­hayag na tablado ang lahat ng vendor at lahat ng obstruction sa buong Quiapo at ang daraanang ruta ng Traslacion.

Samantala, isang linggo bago ang pag­diriwang ay puspusan ang ikinasang clearing operations ng Manila Police District (MPD) partikular ang MPD Sta. Cruz station (PS3) na nakasasakop sa Quiapo.

Ito ay upang masi­guro ang katiwasayan at mapanatili ang kaayusan sa lugar bago ang kapis­tahan.

Ang pagbabawal ni Isko sa mga vendor sa lugar ay upang matiyak ang kaligtasan ng milyon-milyong nakapaang deboto na inaasahang lalahok sa Traslacion 2020.

Taon-taon, sa pagdiri­wang ng kapistahan ng Poon Nazareno ay may mga naiuulat na insidente ng pagkasugat sa kasag­sagan ng Traslacion dahil sa mga kalat sa kalsada partikular ang mga basura mula sa street foods na ginagamitan ng stick na nakatutusok sa paa ng mga deboto.

Ito rin aniya ay pagbibigay galang sa Poong Nazareno.

Kaugnay nito, paki­usap ni Moreno sa mga Manileño at mga inaa­sahang deboto na darayo, sana’y makiisa sa pama­halaang lungsod para sa maayos na pagdiriwang ng kapistahan.

Samantala, nabatid kay MPD Director P/BGen. Bernabe Balba, partikular na ipinagba­bawal ang matutulis na bagay, nakamamatay na sandata, nakaboteng inumin at iba pa, na maaaring magdulot ng peligro sa mga deboto.

Nasa 10,000 puwersa ng pulisya ang itatalaga sa ruta ng Traslacion at sa paligid ng Andas na tiyak na sasabayan sa paglakad ng mga deboto, bilang seguridad.

ni BRIAN BILASANO

QUIAPO VENDORS
‘UMIIYAK’
‘DI MAKAPAGTINDA
NANG MAAYOS

‘UMIIYAK’ na ang mga vendor sa paligid ng Quaipo church dahil sa ginagawang clearing operations para sa pagha­handa ng Traslacion 2020 sa Enero 9.

Bagamat nakapuwes­to pa sila sa mga gilid-gilid, daing nila, ang hirap ng kanilang sitwasyon dahil halos wala na silang pagkakataong makapag­tinda at kumita nang maayos ‘di tulad sa mga nagdaang panahon.

Reklamo ng ilang tinder, maaari aniya silang paalisin ngunit huwag muna ngayon dahil ilang araw pa naman aniya bago ang Kapistahan ng Quiapo.

Patuloy ang kompis­kasyon ng mga pulis sa mga paninda ng vendors gayondin ang pagroronda ng ilang awtoridad na nagbabantay sa paligid ng simbahan.

Puspusan ang pag­kukumpuni, pag-aayos at pagpipintura sa mga concrete barrier sa mga daraanang tulay sa ruta ng Traslacion upang matiyak na ligtas ang seguridad ng mga ma­ma­mayan at mga deboto.

Marami na rin ang nagtitinda ng mga T-shirt na may nakatatak na mukha ni Hesus at iba pang religious items at memorabilia o souvenirs na tinatangkilik ng mga deboto tuwing Kapis­tahan ng Poong Itim na Nazareno.

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *