Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P64K shabu nakuha sa 2 tulak

NAKUHA sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nasa P64,000 halaga ng shabu sa buy bust operation ng mga pulis sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong sus­pek na sina Darwin Desier­to, 39 anyos, pedicab driver; at John Romilo, 25 anyos, tattoo artist, kapwa residente sa Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Ramos Timmago, dakong 12:30 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Tamayao ang buy bust operation laban sa mga suspek sa Langaray corner Pampano streets, Brgy. Longos sa koordinasyon sa PDEA CAMANAVA.

Matapos iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad sumugod ang back-up na operatiba saka sila sinung­gaban.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 9.53 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P64,804 sa street value nito at buy bust money.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …