SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang pagbabawal sa pagpapadala ng domestic workers sa Kuwait.
Gayonman, inilinaw niyang kailangan hintayin ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu.
Paliwanag ni Go, ibinabalanse ni Pangulong Duterte ang mga mawawalan ng trabaho sa deployment ban at kailangang matiyak ang kapakanan ng nakararami.
Samantala, inilinaw ni Go na hanggang walang kautusan si Pangulong Duterte ay tuloy ang planong pagtungo nito sa Kuwait ngayong unang quarter ng taon.
Iginiit ni Go, mula sa nilagdaang kasunduan ng Kuwait at Filipinas ay marami rin pinagbigyan ang Kuwaiti government.
Tiniyak ni Go na hangad niya at ni Pangulong Duterte na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Jeanelyn Villavende ng kanyang mga amo sa Kuwait.
(CYNTHIA MARTIN)