Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot nagpakamatay

DALAWANG lalaki ang nagpasyang kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner at pagbibigti sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Sa ulat ni P/SSgt. Richard Andrew Calaycay kay Malabon Police chief, P/Col. Jessie Tamayao, dakong 9:20 pm, ginigising ng kanyang ina ang biktima na si Jayson Miclat, 33 anyos, helper, sa loob ng kanilang bahay sa Camus Ext., Brgy Ibaba ngunit hindi na tumutugon.

Nang makita sa kanyang tabi ang bote ng isang silver cleaner ay agad isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa Ospital ng Malabon (OsMa) ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nauna rito, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at kanyang live-in partner na si Mary Ann Ferrer, 30 anyos, tungkol sa kanilang paghihi­walay na naging dahilan upang magbanta si Miclat ng salitang

“Subukan mong umalis mag­pa­pakamatay ako!”

Lumabas ng bahay si Ferrer para bumili ng sigarilyo ngunit pagbalik niya ay patay na ang biktima na inakala niyang natutulog lamang.

Samantala, dakong 7:10 pm nang unang madiskubre ng kanyang kapwa tenant na si Leonie Sartalan, 35, ang bangkay ng biktimang si Jev Baton, 29 anyos, factory worker, habang nakabigti ng nylon cord sa loob ng banyo sa Custodio St., Brgy. Santulan.

Ayon kina police investigators P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, inaalam pa ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …