SINABI ni Go na pinatitingnan ni Pangulong Duterte sa DOJ ang mga onerous provisions sa concession agreement ng dalawang water company sa gobyerno na hindi pabor sa taong bayan.
Ayon kay Go, interesado ang pangulo na malaman kung bakit nagkaroon ng provisions sa kasunduan na hindi pabor sa consumers.
Binigyang diin ni Go, dapat ay interes ng mga Filipino ang mangibabaw sa lahat ng pagkakataon.
Dagdag ni Go, na hindi makatarungan na pasanin ng taong bayan ang mga bayarin na hindi naman dapat pasanin at lalong nagpapahirap sa kanila.
(CYNTHIA MARTIN)