Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil todong pinaghirapan… Coco Martin confident na maganda at very entertaining ang entry sa MMFF 2019

HINDI sasablay sa 101 percent, agree kami sa sinabi ni Coco Martin sa mediacon ng kanyang pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kasama sina Jennylyn Mercado at AiAi dela Alas na maganda ang kanilang materyal.

Kasama siya sa editing kaya alam ni Coco na maganda ang entry nila ngayong taon sa festival.

Yes trailer pa lang ng 3Pol Trobol, na very-very entertaining ay maeengganyo ka nang lumabas ng bahay sa December 25 para panoorin ito sa sinehan.

Saka infairness, para sa ikakaganda ng kanilang movie ay todo-effort talaga rito si Coco at kinarir niya ang kanyang character na Paloma na iba’t ibang outfit, make-up at hairstyle.

Sa isang eksena ay nagpakita pa siya ng kanyang butt na biro ng actor, ito ang panonoorin ng kanyang fans and supporters.

Swak din ang first team-up nila ni Jennylyn Mercado sa big screen at ang ganda at husay ng actress sa kanyang papel. Siyempre given na ang galing ni Ms. Ai na ibang atake naman ng pagpapatawa ang ginawa dito.

Basta magmula umpisa hanggang ending ay hindi kayo mababagot sa 3Pol Trobol dahil lahat ng gusto ninyong mapanood ay dito ninyo makikita sa nasabing action-comedy movie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …