Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Photo by Bea Cupin/Rappler

‘Harassment’ hindi type ni Digong — Bong Go

HARASSMENT is not his cup of tea.”

Ito ang pahayag ni Senador Christopher “Bong”  Go patungkol kay Pangu­long Rodrigo Duter­te kaugnay sa sinasabi ng ilang US Senators na political harassment ang ginagawa ng administrasyong Duterte kay Senator Leila De Lima.

Binigyang diin ni Go, bago manghimasok ang  senador ng ilang bansa sa mga nangyayari sa Filipinas ay dapat muna nilang masi­guro kung may kasalanan o wala ang isang akusado para tawagin nila itong political harassment.

Binigyang diin ni Go, may kinakaharap na kasong may kinalaman sa illegal drugs si De Lima at hindi ito pinakikialaman ni Pangulong  Duterte.

Iginiit ni Go na matanda na si Pangulong  Duterte at wala na siya ibang gusto kundi ang magserbisyo sa tao dahil kapakanan ng taong bayan ang pinaka­mahalaga sa lahat at pag­katapos ng kanyang termino ay uuwi siya sa Davao City.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …