Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Cheeto’s Mafia namamayagpag sa Pasay City?

MASASAYANG umano ang kasipagan at pagsisikap ni Mayora Emi Calixto-Rubiano kung hindi mawawakasan ang pamamayagpag ng Cheeto’s Mafia.

‘Yan po ang walang tigil na text na dumaratingsa  inyong lingkod.

Hanggang ngayon daw po kasi ay kontrolado ng Cheeto’s Mafia ang lahat ng supplies at kontrata sa Pasay City.

Ang Cheeto’s Mafia umano ay grupo ng mga taong kumokontrol sa Pasay City. Ang pinuno umano niyan ay dating ‘konsuhol’ na pirming nag-aastang ‘sulsultant’ nang sa gayon ay lagi niyang nababakuran ang mga mapagkukunan ng ganansiya.

Ayon pa sa mga walang sawang nagte-text sa inyong lingkod, ‘alaga’ ng Cheeto’s Mafia ang isang taong malapit sa mga nakaraang administrasyon, at siyang naging tulay para makopo nila ang supplies at mga kontrata sa Pasay City.

Arayku!

Paano na ang pagsisikap ni Mayora Emi para ihanay sa cosmopolitan cities ang lungsod ng Pasay kung namamayagpag ang Cheeto’s Mafia sa kanilang siyudad.

Alam kaya ‘yan ni Mayora Emi o mayroong ‘bumubulag’ sa kanya?!

Mayora, alam naming matagal ninyong pinangarap na maupo bilang alkalde ng bayan ninyong mahal, e paano ‘yan, mukhang hindi nasisindak sa iyo ang Cheeto’s Mafia?!

Mukhang naghihintay ng sampol, sampol Mayora?!

Hindi ba ninyo nakakapa ang Cheeto’s Mafia Mayora?!

Aba, baka puro bukol ang abutin ninyo riyan?!

Sudsurin na po ninyo Mayor ang Cheeto’s Mafia.

Aruu!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …