Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, bahagi na ng ALV Family ni Arnold Vegafria

Sobrang ganda ng takbo ng career ni Sylvia Sanchez, at lahat na yata ng suwerte ay nasalo ng mahusay na actress dahil hindi lang ang showbiz career nito ang matagumpay kundi ang kanyang personal life, na may masaya siyang pamilya at dalawang artistang anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde na parehong gumagawa ng pangalan.

May negosyo rin si Ibyang (tawag ng marami sa actress) at dalawa na ang kanyang Beautederm Store na nasa Butuan at Roces Ave., Quezon City kasosyo ang daughter na si Ria. Ratsada rin sa mataas na ratings araw-araw ang teleserye ni Sylvia na “Pamilya Ko.”

Ang latest, aside sa dating namamahala sa kanyang career ay pumirma ang actress sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria at parte na siya ngayon ng ALV family.

Sa kanyang FB post, ibinahagi ni Sylvia ang kanyang naramdaman na parte na siya ng ALV.

“So happy to announce that I am now part of the ALV family. Blessed to be surrounded by people who want to not only see me but help me grow in all aspects.

So grateful for the blessing of having ALV as an additional manager alongside Powerhouse – Anna Goma. I’m excited to see where we’ll go together @alvtalents. Thank you for trusting me and adding me to your roster of talents. #blessing #thankuLORD

Happy evening,” sey ni Sylvia sa kanyang post, na papasukin na ang pagpo-produce ng pelikula next year.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …