Sina Ma’am Malou Choa-Fagar at Sir Tony Tuviera na mga big bosses ng Tape Inc., ang bumuo ng Eat Bulaga kasama sina Tito Sen, Bossing Vic Sotto, at Joey de Leon na nag-start noong 1979 na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng ating mga kababayan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
At malaking factor si Ma’am Malou, kung bakit solid ang EB hosts at hindi nagkawatak-watak. Mayroong hosts na nawala na sa programa, pero desisyon nila ‘yun at ‘yung iba naman ay tapos na ang kontrata.
Bukod sa pagiging Vice President at COO (Chief Operating Officer) ng Tape Inc., matagal nang talent manager si Ma’am Malou at respetado siya ng kapwa managers at ng kanyang mga hawak na artista at naging alaga rin noon ng TV executive ang matalik na kaibigang si Maricel Soriano. Sina Jose Manalo, Wally Bayola at Ryzza Mae Dizon ay ilan lamang sa mga talent nila.
Well loved din siya sa industry at malapit siya sa mga sikat na showbiz personalities at friends from media na always niyang ka-bonding sa kanilang Wednesday Club. Isa pa sa mapupuri mo kay Ma’am Malou, mula noon hanggang ngayon ay hindi siya pinagbago ng panahon at kaya masaya at peaceful ang life kasi aside sa kanyang beautiful family ay matagal na niyang isinama si Lord sa kanyang buhay, at kahit kailan ay hindi siya lumiban sa kanilang regular prayer meeting.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma