Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pergalan’ sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque City ‘jackpot’ sa color games

ISANG kabulabog ang bigong-bigo sa inaasahan nang dalhin niya ang kanyang mga anak sa isang peryahan diyan sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Inakala niya kasing magaganda at magagara ang rides ng nasabing ‘peryahan’ kasi pirming puno ng tao. At dahil nalalapit na nga naman ang bakasyon, ipinasya nilang silipin dahil malapit lang naman sa kanilang bahay.

Pero laking pagkadesmaya ng kabulabog natin dahil hindi pala rides ang pinagkakagulohan kundi ang ‘sugal’ na color games.

Isa palang ‘PERGALAN’ at hindi peryahan.

Hayun umuwing luhaan ang mga anak ng kabulabog natin.

Hindi ba’t matagal nang ipinagbawal ‘yan?!

Ang ipinagtataka natin, bakit tila hindi nababagabag ang mga opisyal ng Barangay Sto. Niño gayong malapit lang sa kanilang barangay hall ang nasabing peryahan?!

At kapag tumawid naman sa kabila, naroon lang ang estasyon ng pulisya.

Anong ‘Lihim ng Guadalupe’ mayroon ang nasabing ‘PERGALAN’ sa Barangay Sto. Niño at hindi man lamang masita-sita ng barangay at pulisya?!

Ano kaya ang sagot dito nina Barangay Chairman Johnny Co at P/Col. Robin King Sarmiento?!

Mga Sir, pakibalitaan lang po kami.

 

SUPPLIES & PROJECTS
SA PASAY CITY KINOKOPO
NG IISANG KAMPO?!

NANGANGANIB daw ang supplies at mga proyekto sa Pasay City dahil kinokopo lang ito ng isang Cheetos Mapanganib.

Wattafak!       

Mapanganib talaga!

Ilang panahon na umanong namamayagpag ang mapanganib na si Cheetos sa pagkopo sa mga proyekto at supplies ng lungsod pero mukhang hindi nagsasawa at hindi man lang nahihiya?!

Inabutan na raw ni Mayora ang nasabing ‘mapanganib’ na sitwasyon at nakapagtataka na nakalusot sa mga naunang mayor?!

Ano naman kaya ang ‘power’ nitong si Cheetos Mapanganib kung bakit siya’y nanatiling supplier at contractor sa Pasay City?!

Happy kaya o nanganganib ang mga bossing?!

Ano sa palagay ninyo Mr. Cheetos?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …