Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Migz Coloma, mas naging guwapo sa kanyang new look

Dahil sa sunod-sunod na events at ilang days na shoot ng first Music Video ng promising recording artist/dancer/model na si Migz Coloma ay nagkasakit siya at na-confine nang halos one week sa The Medical City. At dahil sa prayers, ng kanyang family and supporters ay mabilis na gumaling si Migz, and back at home na siya.

Labis-labis ang pasasalamat ni Ma’am Juvy (mother ni Migz) sa lahat ng mga dumalaw sa ospital at nagdasal para sa recovery ng mina­ma­hal na panganay.

Feeling ng love naming si Ma’am Juvy ay sa hospital sila magpa-Pasko pero mabait si Lord sa kanyang pamilya kaya makakapiling nila si Migz, ang daddy, at kapatid nito sa kanilang Noche Buena at celebration ng Christmas.

Pinayohan daw pala si Migz ng kanyang doctor na magpahinga muna at huwag tumanggap ng anumang commitment. At sinusunod naman ito ng singer, dahil naniniwala siya sa kasabihang “health is wealth.”

Marami pa siyang pangarap for his singing and modelling career at sa acting kung mabibig­yan ng pagkakataon. Kapansin-pansin pala na lalong naging guwapo si Migz sa kanyang bagong hairstyle.

Sa kanyang look ay lalo siyang nagiging kaibig-ibig.

Samantala, dahil sa pagkakasakit ng binata ay na-postponed ang kanyang supposedly first mall show para sa promo ng kanyang CD Lite album sa SM City Masinag. Humihingi si Migz ng paumanhin sa kanyang fans and supporters, at babawi daw siya sa kanila next year.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …