Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunday PinaSaya, hindi tinanggal finished contract lang talaga

TO CLEAR THINGS OUT and to avoid further complications, Rams David said that the last episode of Sunday PinaSaya will be on December 29.

Beforehand, alam na raw nilang aalisin na ang SPS dahil contractual naman ‘yung show.

Talaga raw magtatapos na ang kontrata ng SPS sa GMA ngayong Disyembre.

Blocktimer ang SPS sa Kapuso Network for the simple reason that it is being produced by APT Entertainment, Inc., where Rams David happens to be one of its executives.

“Hindi naman kami tinanggal. Tinapos ‘yung kontrata.

“Umabot po kami nang four years and four months.”

Anyhow, in spite of the shows high ratings, GMA decided not to renew the contract anymore.

“Siyempre, it’s up to the network, e — kung ano ‘yung plano nila.

“So we respect their decision naman, so okay lang naman.”

Pero happy rin daw silang tumagal sila nang ganoon karaming taon.

“At tsaka tumatak sa kanila, na minsan sa buhay nating lahat sa Filipinas, may isang Sunday PinaSaya na lumabas sa television for four years or more than four years na nagpasaya sa kanila.”

Nag-meeting raw ang production at ang kanilang mga artists dahil sa napipintong pagkawala sa ere ng kanilang show.

Sa nasabing meeting, ‘di raw maiwasang magka-iyakan.

“Well, siyempre naiyak din kasi sabi nga, parang may nagsabi na four years mahigit… it’s like attending a school year, na high school or college.

“‘Yung apat na taon kayong magkakasama, so…”

Sa kanilang lahat, si Ai-Ai delas Alas raw ang nag-crayola nang bonggang-bongga.

To be honest about it, si Ai-Ai nga raw ang isa sa mga unang nakaalam na mawawala na sa ere ang SPS.

“Based naman sa contract, one month before mag-expire, sasabihin naman kung mae-extend.”

Si Marian Rivera, who is the show’s headliner, along with Ai-Ai and Alden Richards, has a new show.

“Marian is doing First Yaya, it’s a new soap, first quarter of 2020.”

Si Alden naman ay patuloy na napapanood sa The Gift.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …