KUNG serbisyo ng Bureau of Customs (BoC) ang pag-uusapan ay wala tayong maipupuna kay BoC Port of Clark district collector Atty. Ruby Alameda dahil napakagaling at napakasipag.
Sa rami ng kanyang accomplishments, malayo na rin ang kanyang narating dahil siya ay Collector V na.
Nakahuli sila ng ilegal na droga sa Port of Clark na nagkakahalaga ng P6.5 milyong shabu at 30 ml na liquid marijuana na idineklarang aquarium filter galing Czech Republic.
Ang nasabing shipment ay naglalaman ng “external aquarium filter” at nang inspeksiyonin, may nakita silang suspicious images kay ipinaamoy sa BoC K-9 unit.
Kahanga-hanga ang pagkakahuli ng mga kontrabando sa Port of Clark sa pangunguna ni district collector Atty. Ruby Alameda.
Sumusunod sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na doblehin ang pag-iingat at pagmamasid sa lahat ng kargamentong pumapasok sa bansa at pagbutihin ang pagbabantay sa Port of Clark.
Congratulations Port of Clark!
Mabuhay ka Coll. Ruby!
***
CONGRATULATIONS pala sa mga bagong hire at na-promote na empleyado ng Bureau of Customs na talagang pinaghirapan nilang makuha ang Plantilla item.
Isa na rito si Rechilda Oquias na na-promote bilang Collector 3.
Masipag at magaling ang opisyal na ito kagaya rin ng kanyang asawa na si Chief Dan Oquias.
Naniniwala tayo na malayo pa ang mararating ng mag-asawa dahil sa kanilang serbisyo publiko!
Congrats Coll. Rechilda!
***
Binabati ko rin ang isa sa magagaling at masisipag na opisyal ng Customs na si BoC X-ray unit Head Ben Entico.
Nasubaybayan natin ang takbo ng career niya sa Bureau at talagang nag-umpisa siya sa mababa hanggang tumaas ang kanyang posisyon.
Marami ang hanga sa opisyal dahil bukod sa pagiging humble ay napakasipag pa.
Hindi rin matatawaran ang mga huli nilang ilegal na kargamento sa Customs.
Keep up the good work sir!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado