Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BI NAIA mahigpit sa Pinoy, maluwag sa mga Intsik

HABANG tuloy-tuloy ang deportation ng Chinese nationals na nasasangkot sa mga anomalya tungkol sa illegal online scam ay tuloy rin umano ang dagsang paratingan ng mga Tsekwa sa tatlong terminals ng NAIA.

Kung may mga umaalis, siguradong mas marami rin ang dumarating!

Hak hak hak!

Kaya naman tila nawala ang pangamba ng mga tao sa airport na hindi na sila magpa-Paskong tuyo sa darating na holiday.

Isipin na lang na puno ang bawat flight mula sa mainland China ng mga Tsekwang gustong makipagsapalaran sa kalayaang ibinibigay sa kanila ng ating bansa.

Imagine, sa Macapagal Avenue lang sa Pasay City ay parang kabute na sumusulpot ang mga establisimiyento ng Chinese. Pati mall na para sa kanila ay nagkaroon din!

Walang binatbat ang komunidad ng mga Koreano na hindi nakapagpatayo ng sarili nilang mall?!

Juice colored!

Well, mas mainam na rin kaysa mga Pinoy na nagiging biktima lang ng sindikato ng human trafficking. Hindi gaanong issue ang smuggling ng Tsekwa!

Keri na rin daw kahit paano ang simoy ng amoy daing na mga Tsekwa at least wala namang pagbabawal na nagaganap galing sa pamahalaan.

Nakapag move-on na rin daw ang marami sa “all-time favorites” nilang mga ‘kambingan’ na umaawra nang husto noong mga nakalipas na taon!

Pana-panahon lang talaga ang lahat sa BI-NAIA!

TCEU Head Timi Barizo, totoo ba ang balita na 2,500 kada ulo ng intsik ang hatagan para sa smooth na pagpasok nito sa ating bansa?

Since ang bilang ng mga tao sa China ay hindi bababa sa bilyon, hindi malayo na bago matapos ang kasalukuyang administrasyon ay baka umabot na rin sa 100 milyon ang bilang ng mga Tsekwa sa Filipinas.

Ang ration ay puwedeng maging 1:1 na po tayo avid readers pagdating sa 2022…

Ang saya-saya!

Sa rami ng mga itinatayong call centers, online gamings, prostitution dens, KTV clubs, casino junket restaurants at POGO, huwag na rin kayo magtaka kung ang buong Kamaynilaan ay ma-outnumber ng mga singkit kompara sa Pinoy!

Ano naman kaya ang magiging hakbang ng susunod na administrasyon pagkatapos ni Digong? Kagaya rin kaya ito ng pagiging ‘wapakels’ niya sa mga nangyayari? O tutulad siya sa Cambodia na pinagtatapon pabalik ng China ang mga Intsik na dumagsa sa kanila?!

Only time can tell, sabi nga nila.

 

FOREIGN DELEGATES,
NAPA-WOW SA SEA
GAMES HOSTING NG PH

TINGNAN mo nga naman ang buhay, habang ang iba nating kababayan ay walang tigil sa pagpuna at pamba-bash sa SEA Games, patuloy naman ang pag-ani ng papuri at pasasalamat ng Filipinas sa pagho-host ng 30th SEA Games mula sa sports officials at atletang dayuhan.

Viral ngayon ang kabayanihan ni Pinoy surfer Roger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal na Indonesian surfer na si Arip Nhuridayat. Naputol ang tali ng surf board ni Nhuridayat kaya nahampas siya ng malalaking alon sa Monaliza Point sa La Union.

Mantakin n’yo naman, abot-tanaw na ni kabayan Roger ang gintong medalya pero binalikan niya si Nhuridayat at iniligtas hanggang makarating sa pampang. Kaya naman ang Indonesian Sports officials at mga atleta ay kontodo pasasalamat kay Roger. Pumaibabaw ang pusong Pinoy. Wow na wow!

Ang koponan ng Timor Leste, walang pagsidlan ang kanilang pasasalamat sa Filipinas dahil sa cheering ng ating mga kababayan na makakuha ng medalya ang Timor Leste sa SEA Games.

Sa latest medal tally kasi na dinodomina ng Team PH, tanging ang Timor Leste ang hindi nakakukuha ng medalya maski tanso. Kaya ang sigawan ng mga Pinoy ay “Go Timor Leste” kapag lumalaban ang koponan.

Siyempre pa, inuulan din ng papuri ang sports facilities na ipinatayo ng Digong admin para sa 30th SEA Games lalo ang world-class sports stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac.

Pinuri ni Thailand lawn bowl coach Daniel John Simmons ang pasilidad sa  Clark Freeport, isa sa venues ng lawn bowl competition.

Ayon kay Simmons, nakabibilib ang ginawa ng Filipinas na isang world-class sports facility sa loob lamang ng 40 araw.

Sinabi ng Malaysian official na si Abdul Kader, director general ng International Sepaktakraw Federation, na nakamamangha ang Sepak Takraw venue sa Subic gymnasium at tinawag niya itong pinakamagandang Sepak Takraw venue sa kasaysayan ng SEA Games.

Maging ang Olympic gold medalist swimmer na si  Joseph Schooling ay napabilib sa kanyang naging karanasan sa 30th SEAG. Awesome daw ang energy sa 30th SEA Games. Ibinida niya ang kanyang yaya na isang Pinay at 10 taon naninilbihan sa kaniyang pamilya.

Pati ang SEAG first timer event na e-Sports ay umani rin ng papuri. Ang venue sa San Juan ay balot ng iba’t ibang ilaw, smoke machine, at hiyawan ng mga manonood.

Ayon kay  Benjamin Assarasakorn ng Thailand E-Sports Federation, ang ‘landmark hosting’ ay dapat tularan ng ibang bansa sa Asya kung paano tatratohin ang e-Sports.

Ngayon pa lang, nais na nating batiin ang ating mga organizers, sports officials at lalo ang mga atleta dahil sa napakagandang performance sa SEA Games.

Sa mga nangyayaring ito, ‘wag na tayong magtaka kung talagang lalahok ang Filipinas sa bidding ng 30th Asian Games. 

Si Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong na mismo ang nagsabi na handa na ang Filipinas para sa mas malaking sports event dahil sa magandang pagho-host ng 30th SEAG.

Kaya, let’s get ready to rumble!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *