Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

SOJ Menardo Guevarra ayaw pang maging Supreme Court justice

HINDI pa man nag-iinit ang nominasyon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra para sa Associate Justice ng Supreme Court, agad naglinaw at nagpahayag ng kanyang posisyon ang kagalang-galang na ginoo mula sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan. 

Ayon sa ama ng DOJ, kasalukuyan pa siyang masaya sa kanyang pamumuno sa Kagawaran at alam niya na marami pa siyang maiaambag sa pagsasaayos ng departamento. Bagamat naging pangarap niya ang maluklok bilang isa sa mga punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, isa rin ito sa kanyang ikinonsidera noong siya ay nag-apply sa pagiging SC Justice noong 2016.

 “Do you know the feeling of someone who has always desired a wonderful person to be his or her spouse in the future? But somewhere along the way, he bumps into someone else whom he likes and desires,” sagot ni Guevarra matapos siyang tanungin tungkol sa kanyang desisyon.

Palatandaan na talagang napamahal na si SOJ Guevarra sa kagawaran.

Kamakailan lang, si SOJ Guevarra ay ininomina ni retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino sa posisyong binakante ni dating Associate Justice Diosdado Peralta. Si Peralta ang nahirang at kasalukuyang nakaupo bilang Chief Justice.

 “I have known Secretary Guevarra to be a person of proven competence, integrity, probity of independence and his sense of patriotism through his socio-civic engagements,” saad ni Victorino.

Gayonpaman, nagpapasalamat si Guevarra sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Justice Victorino dangan nga lang ay talagang hindi pa siguro panahon para iwan niya ang DOJ kasama rin ang ilang ahensiya ng gobyerno na nasaakupan nito.

Tayo man ay naniniwala na hindi lubos na isinasara ni SOJ Guevarra ang pinto para sa kanyang pangarap na maging isa sa mga mahistrado ng Supreme Court.

Iba pa rin ang kinang kapag sinabing Supreme Court Justice. Ito ang pinakarurok ng pangarap ng isang abogado at hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang maluklok sa naturang puwesto.

Bukod sa pagkakaroon ng fixed term, ang mga napupunta rito ay ‘yung mga tinatawag na “cream of the crops” o de kalibre sa madaling salita!

Kung “credentials” ang pag-uusapan, hindi matatawaran ang kakayahan at mga karanasan ni SOJ Guevarra. Matagal na siyang nagseserbisyo sa ilang administrasyon at ni minsan ay hindi nadungisan ang kanyang pangalan. Walang pagmamalabis na nakita sa kanya, kaya naman mahal siya ng kanyang mga nasasakupan.

Well, you’re on to the right track, SOJ Guevarra.

Saan ka man maitalaga kitang-kita at damang-dama na welcome kayo sa mga taong gobyerno!

 

Sa sobrang galak at saya
DIGONG NAPASAYAW
SA SEA GAMES OPENING
ORGANIZERS PINURI

MANTAKIN n’yo nga naman o, dalawang oras lang ng South East Asian (SEA) Games opening show ang kinailangan upang supalpalin ang mga kritikong nambabatikos at pumupuna sa hostng ng Filipinas sa naturang palaro.

Aba’y natulala at nalaglag ang panga ng sambayanang Filipino sa idinaos na opening show ng SEAG na dinalohan ng libo-libong tao. Maging si Pangulong Duterte ay tuwang-tuwa sa kanyang nasaksihan. Kitang-kitang pumapalakpak si Digong sa pagrampa ng koponan ng Filipinas sa entablado. Napaindak pa nang pumailanlang ang kantang Manila. Sabi nga ng maraming Pinoy, nagtala ng Duterte move si Digong sa pag-indak nito sa opening night.

Kaya naman puring-puri ni Digong ang organizers, performers, at volunteers na nasa likod ng naturang pagtatanghal. Isang gabi ng pagpapakita ng kulturang Pinoy at pagkakaisa ng lahing Filipino ang nangyari sa opening night. Lahat ay tumayo at nagbigay pugay sa mga atletang Pinoy. Hindi magkamayaw ang sigawan at hiyawan ng mga nasa loob ng Philippine Arena bilang pagsuporta sa mga manlalaro ng SEA Games.

Ayon nga kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isang palabas ng pagkakaisa ng mga Filipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood nito. Mula sa iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy.

Kaya naman tumahimik at nabutata ang mga nagpalipad ng puna at batikos sa SEA Games. Baka maging sila ay natulala at napahanga kung paano ginanap ang SEA Games opening.

Sino ba naman ang hindi mamamangha at hindi lalambot ang puso sa pagrampa sa entablado ng walong sporting legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thompson, Paeng Nepomuceno, Onyok Velasco, at Efren “Bata” Reyes.

Nakapaninindig balahibo nang isa-isa na silang ipakilala habang hawak nila ang bandila ng SEA Games.

Kaya maging ang sikat na The Strait Times ng Singapore ay hindi pinalampas ang naturang okasyon at inilathala sa kanilang pahayagan na dalawang oras lang ang katapat upang mabura ang mga negatibo at mapanirang balita na ibinato sa 30th SEA Games sa nagdaang ilang araw.

Kaugnay nito, umaasa ang palasyo na magsisilbing inspirasyon at tutularan ng ibang bansang nakatakdang mag-host ng SEA Games sa susunod na mga taon ang hosting ng Filipinas sa naturang palaro.

Kaya sana ay itigil na ng mga kritiko ang mga pamumuna sa SEA Games bagkus ay suportahan ang ating mga manlalaro na ganadong-ganado ngayon sa kani-kanilang events. Sa unang araw pa lang ng kompetisyon ay nakasungkit na ng 23 gintong medalya.

Kaya naman, inaasahan ng organizers at sports officials ng Filipinas na makokopo ng ating bansa ang over all championship sa 30th SEA Games.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *