TAONG 1995 nang manalo si Nora Aunor na Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa mahusay na performance sa “The Flor Contemplacion Story.” After 24 years, sa hindi matatawarang pagganap sa character ng Muslim na si Saima Datupalo
para sa pelikulang “Mindanao” ni Direk Brillante Mendoza ay si Judy Ann Santos ang nakasungkit ng Best Actress award sa 41st Cairo Intl Film Festival na ginanap last November 29 sa Cairo, Egypt.
Tumanggap rin ang pelikula ng prize para sa best
artistic contribution. Bago nanalo ng major award si Juday ay naging successful ang world premieres ng Mindanao sa 24th Busan Int’l Film Festival sa Korea at sa 32nd Tokyo Intl Film Festival sa Japan.
Noong Nov 15 hanggang Dec 1 ay naging matagumpay din ang world premieres nito sa Estonian Film Festival o 23rd POFF Talinn Black Nights Film Festival na ipinalabas sa iba’t ibang venue tulad ng Kino Artis, Saal 1, Coca-Cola Plaza at Saal 7. Nakipag-compete rin ang nasabing film sa 25th Kolkata Int’l Film Festival sa India at 366 movies ang kasali rito sa 17 venues. Ang Mindanao ay Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB), mula sa panulat ni Honee Alipio. Malaking puntos sa pagiging actress ni Judy Ann ang pagkakapanalo niyang ito sa Cairo, lalo’t among our local actors ay silang dalawa lang ni Nora ang nakatanggap ng nasabing parangal.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma