Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Aberya sa hosting ng SEA Games hindi solo ng Filipinas ‘yan

SABI nga, lahat ng host, walang ibang layunin kundi maging kasiya-siya ang kanilang pagiging punong-abala.

Pero siyempre, hindi natin maiaalis na magkaroon ng mga ‘aberya’ at ‘salto’ na kung ibabahagdaan sa kabuuang paghahanda ay masasabi nating ‘maliit na bagay’ dahil puwede namang i-rectify sa buong panhaon ng palaro.

Pero ang nakapgatataka bakit ba tila lahat na lang ng mga sinasabing ‘aberya’ na nakikita sa paghahanda para sa 30th SEA Games ay sumasambulat sa media lalo sa social media?

Imbes, palakasin ang loob ng mga Atletang Pinoy at maging ang mga atletang mula sa ibang bansa, ay idiniriin pang hindi magtatagumpay ang palaro.

Kabi-kabila ang mga puna at kahit sa maliliit na bagay ay dinadala sa atensiyon ng netizens.

Minsan ang simpleng mga bagay ay pinalalaki. Nailalayo na tuloy ang ating atensiyon sa tunay na kahulugan ng SEA Games, ang puso at giting ng mga atletang Filipino.

Ibang-iba talaga ang ating kultura sa ibang bansa sa Asya. Mapapansin na hindi kinukuyog ng ibang bansa ang sarili nila sa pagkakapahiya. Taliwas sa nangyayari ngayon sa Filipinas.

Mismong ang mga sarili nating manlalaro na mismo ang nagpapatunay na wala pang international sports event na naging perpekto ang takbo. Kahit saan sa buong mundo na nag-host ng mga ganitong events ay nagkakaroon ng mga aberya.

Normal ang pagkakaroon ng mga aberya katulad sa pagkain at titirahan ng mga atleta.

Sabi ng dating Azkals player na si Alejandro Baldo Jr., naranasan nilang magtulak ng kanilang sasakyan sa Thailand sa isang sports event at namroblema rin sila sa pagkain at kung ano-ano pa kapag nasa dayuhang bansa sila para makipaglaban. 

Sinabi rin mismo ni Badminton national athlete Antonio Cayanan na namroblema rin sila sa pagkain, transportasyon, at dinala sila sa maling hotel sa ginanap na 2017 Malaysian SEA Games na nasolusyonan din naman habang idinaraos ang palaro.

Huwag na tayong lumayo, si PSC Commissioner Ramon Fernandez ay nagsabi rin na normal ang mga ganitong aberya kahit saan mang palaro at kahit saanmang bansa na nagho-host ng palaro.

Tinukoy ni Fernandez ang nangyaring food poisoning sa Malaysian SEA Games noong 2017 at ang problema sa transportasyon at mga driver ng palaro na hindi pinasuweldo.

Ang mahalaga ayon kay Fernandez, sa kabila ng mga ganitong aberya, ay suporta ng taong­bayan sa adhikain ng mga atleta na makapaglaro sa abot ng kanilang makakaya at maibulsa ang gintong medalya para sa karangalan ng bansa.

Imbes magbatikusan at magtirahan, bakit hindi natin ipagdiwang ang mga mumunting tagumpay na inaani ngayon ng Team Philippines sa SEA Games.

Kagaya ng unang panalo ng Filipinas na itinala ng Philippime Women Football team nitong Lunes.

Suporta ang kailangan ng ating mga atleta at hindi kung ano-anong batikos at puna. Huwag natin itong ipagkait sa kanila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *