Friday , November 15 2024

Tukuyin

MAGANDA ang hanga­rin ni Senator Risa Hontiveros sa panawagan sa Department of Health (DOH) na pangalanan ang pharmaceutical firms na humaharang umano na mapababa ang presyo ng mga medisina, lalo ang 120 gamot para sa pang­karaniwang sakit tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, kanser, asthma at iba pa.

Sa talakayan ng DOH 2020 budget ay nagpahayag si Hontiveros na malakas umanong iniimpluwensiyahan at kinokontra ng ilang kompanya ng parmasya ang mungkahing gamitin ng gobyerno ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Cheaper Medicines Act (RA 9502) na mapababa ang hindi parehas na presyo ng medisina.

Isang asosasyon ng mga kompanyang parmasya ang tumanggi sa mungkahi na mapababa ang presyo ng 120 medisina dahil hindi ito magiging produktibo.

Kung totoo raw ang mga ulat, ang mga kom­panyang ito ay dapat pangalanan at matanong kung bakit nila kinokontra ang mga inisyatiba para mapababa ang presyo ng medisina. Dapat din umano itong mapagpaliwanag kung bakit mas mahal ang kanilang mga gamot sa international reference prices (IRP).

Tinukoy ni Hontiveros na mas inuuna pa ng naturang mga kompanya ang malalaki nilang tinutubo at kinikita kaysa buhay at kalusugan ng mamamayan.

Sa panahon nga naman na kabi-kabila ang mga nagkakasakit sa kapaligiran, mas makabubuti kung abot-kamay ng publiko ang presyo ng mga gamot.

Nais paalalahanan ni Hontiveros ang mga kompanya ng parmasya na bagaman nauunawan niya ang hangarin nilang mapagbuti ang sistema ng healthcare sa bansa, ang saksakan nang taas na presyo ng mga gamot sa pribado at pampu­blikong sektor ang nagpapahina sa epektibong pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan na ikinapipinsala ng mahihirap.

Ipinaliwanag niya na 41 porsiyento gastos sa kalusugan ng mga Filipino ay nauuwi sa pambili nila ng mga gamot. Sa ibang mga bansa na malakas ang kita ay 19.7 ang gastos samantala sa mga bansa na mababa ang kinikita ay 30.4 porsiyento ang gastos.

Akalain ninyong ibinebenta ang mga medisina nang halos apat na beses sa IRP nito samantala ang mga branded na gamot ay naibebenta nang halos 22 beses na mas mataas, lalo sa mga pribadong ospital at parmasya.

Sa ilalim ng maximum retail price scheme, ang presyo ng mga piling gamot ay mababawasan ng 56 porsiyento mula sa kasulukuyang presyo nito sa merkado sa oras na pinirmahan ni President Duterte ang executive order ukol dito.

Kaya ngayon pa lang ay dapat malaman kung sino-sinong kompanya ng gamot ang humaharang sa Cheaper Medicines Act para ma-boycott o hindi tangkilikin ang kanilang produkto.

Huwag ipagkait sa mga Filipino, lalo sa mahihirap, ang karapatan nilang mabuhay at makabili ng murang gamot.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *