MATAPOS natin ibunyag ang kalokohan at pang-i-estafa ng isang Immigration Officer Jayson Cutaran a.k.a. Kyle Go Tecson, Jun Wei Lei at iba pa niyang mga alyas ay lumutang ang mga ebidensiya na mag-uugnay sa kanya a human trafficking.
Inilahad mismo sa social media ng complainants ang sandamakmak na conversations at maging ang paper trail sa mga transaksiyon niya at ng kanyang mga kasabwat sa human trafficking.
Susmaryosep!
‘Yan na!
Nakasaad sa texts messages ni Cawatan ‘este Cutaran kung saan-saang airports niya padaraanin ang kanilang mga palulusutin na pasahero. Isa sa mga nabanggit na exit point ang Iloilo International Airport na karaniwang pinagdaraanan ng mga ipapadala sa middle east partikular sa Saudi Arabia at Qatar!
Grabe!
Kasama rin sa kanilang “convo” ang libo-libong transaksyones na ibabayad sa immigration of-fixers ‘este officers na sangkot sa anomalya.
Mayroon din mga kopya ng boarding pass ng kanilang mga pasahero maging ang ilan pang na-offload o hindi natuloy ang pagsakay.
Ito siguro ay noong inabutan ng higpit ang naturang paliparan?!
Ganoon pa man, makikita ang usapan kung saan pinipilit pa ni Cupal-yan ‘este Cutaran na gawan ng paraan ang pagpapalusot.
Sonabagan!
Wala talagang takot!
Isa rin sa nakalap nating “post” sa social media ang ilang “kuda” ng taong ito na nagpapahaging na wala siyang kinalaman sa krimen?!
Tell that to the marines, ateh!
Paano magiging bonggacious ang lifestyle mo kung ang kinikita mo ay suweldo lang ng isang ordinaryong empleyado ng gobyerno!?
Napakabilis nga ng pag-level-up mo dahil nag-umpisa ka lang sa pagbebenta ng cellphones, nang ‘di ka nakontento ay pinasok mo na ang human smuggling!?
Pati nga mga kasama mo sa BI-NAIA ay na-shocked sa iyong total makeover!
Overwhelmed sila, dai!
Alagang Belo ba ‘yan?
I wish pagkatapos lumabas ng warrant mo sa isinampang kaso ng estafa, swindling at human trafficking, mas mabuti sigurong harapin mo ang iyong mga kaso pati complainants at tuloy ibalik ang P7 milyong dinekwat n’yo ng kasabwat mo sa iyong financier?!
Maliwanag ba!?
MAGKAISA
PARA SA ATLETANG
PINOY
Opisyal nang nagpalabas ng pahayag ang Century Park Hotel tungkol sa mga reklamo na pinakawalan sa social media ng mga dayuhang atleta tungkol sa kanilang room accommodation at iba pa.
Hindi naman pala pinabayaan ng hotel ang mga manlalaro dahil 2pm naman talaga ng hapon ang standard check-in time. Nagkataon lang na napaaga ang dating ng mga atleta. Magkagayonman, 8:30 am pa lang ay nabigyan na ng kuwarto ang ibang mga manlalaro at ang iba naman ay inistima sa holding area at doon sinilbihan ng pagkain.
Sa nakaraang dalawang araw, sa buong 77 arrivals ng mga atleta mula sa ibang bansa, nagkaroon man ng problema ang ibang delegado, hindi naman ibig sabihin na palpak na ang buong paghahanda sa South East (SEA) Games.
Hindi gawang biro ang mag-host ng malakihang international sports events at sinumang eksperto ang tanungin ay sasabihing normal ang mga ganitong pangyayari at hindi naiiwasan ang mga aberyang ganito, kung aberya man itong matatawag.
Sa harap ng mga lumalabas na mga balita tungkol sa preparasyon ng SEA Games, panawagan natin sa ating mga kababayan na magkaisa para suportahan ang ating mga atleta na sasabak sa palaro sa susunod na linggo.
Huwag natin kalimutan na dangal ng ating bayan ang dadalhin ng bawat atletang Pinoy sa kanilang pagsabak sa palaro upang maibulsa ang overall champion na karangalan sa SEA Games.
At panawagan sa ating mga kababayan na maghinay-hinay sa pagbibigay ng mga komento at opinyon hangga’t hindi pa naririnig o nalalaman ang buong kuwento o ang kabilang panig. Huwag nating ibaon ang sarili nating bansa.
Ang pagdaraos ng 30th SEA Games ay karangalan ng buong bayan. Karangalan na nadama natin noong huli tayong nagdaos ng SEA Games noong 2005. Huwag na nating palakihin ang maliliit na bagay kagaya ng mga reklamo sa paulit-ulit na pagkain at kung ilang bote ng tubig ang dapat na ibigay sa mga atleta sa loob ng isang araw. Nasosolusyonan nang mabilis ang ganitong mga problema.
Imbes magbatikusan tayong lahat, ituon na lamang natin ang ating atensiyon sa pagpalakpak sa ating mga manlalaro kahit anuman ang kanilang kahinatnan.
Ang sabi nga, “We WIN as ONE !
NORTHERN SAMAR
FARMERS
NAPABAYAAN NA!
SIR pakibulabog lang po ‘yong national government dahil dito sa Northern Samar wala pong tulong na nakukuha ang mga magsasaka para makapagtanim ng palay. Wala rin pong irrigation dito para sa kanila.
+639185400 – – – –
BAGMAN
NG MPD ONSE
SIR Jerry, positive info mo na si Tata Hokson ang bagman ng onse. Walang inatupag ‘yan kundi hukayin ang mga makokotongan sa AOR ng Onse. Dapat makarating kay Gen. Balba ang kalokohan nito.
+63905626 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap