Monday , December 23 2024

Happy 83rd anniversary NBI

“THE consistently high trust accorded by the people to our President and to the rest of government is therefore, in part, because of the commendable work that you do.”

‘Yan and mga katagang binitawan ni Justice Secretary Menardo Guevara sa ika-83 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI).

Talagang kahanga-kahanga ang trabaho nila sa pangunguna ni NBI director, Atty. Dante Gierran at lahat sila ay nagtutulungan at nagsu­sumikap na mas lalo pang mapabuti ang pag­bibigay ng magandang serbisyo para sa bayan.

Sinabi ni Secretary Guevara na ang NBI ay isang ahensiya sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) na ipinagmamalaki niya dahil sa pagganap nila na nagresulta ng high trust ratings.

At bilang kapalit sa magandang nagawa ng NBI, ang sabi ni Guevara, “will continue to support your initiatives to better equip your ranks through trainings that will keep you updated with cutting edge legal doctrines and the newest investigative strategies and know how.”

Happy Anniversary NBI! Congratulations sa inyong lahat! Mabuhay ka Dir. Gierran!

***

Tayo ay natutuwa sa Collection Per­formance ni BoC-NAIA TMW Customs Composite Unit chief Ronald Moreno at ang kanyang kasamahan na sina COOV Valeriano Galang, COOIII Rita Mendoza, at COOIII Keziah Padayao na talagang mahuhusay pagdating sa trabaho at kaya naman malayo ang mararating pa nila dahil sa pagiging masipag at tapat sa tungkulin.

Wala silang inaaksayang oras dahil laging mataas ang kanilang koleksiyon at nalagpasan pa nila ngayon ang kanilang buwanang target.

Itong buwan ng October ay umabot sa P133,324,870 ang naging koleksiyon nila kompara sa actual target nila na P104,703,659 kaya naman sobra ang kanilang koleksiyon ng P28,621,211 katumbas ng 27.34% positive deviation kaya marami ang hanga sa kanila.

Nakakolekta rin sila ng additional taxes na nagkakahalaga ng P336,646 bunga ng tariff reclassification, under valuation, penalties and surcharge na ipinakikita nilang buo ang kanilang loob at may paninindigan para makamit ang nakatalagang duties and responsibilities gamit ang risk management analysis.

Ipinagmamalaki nila na naabot na nila ang kanilang 2019 collection target na lumampas pa sa  P1,003,649,457 bilyon sa kanilang actual target na P983,755,100 bilyon at naka-surplus sila ng P19,894,357 milyon katumabs ng 2.02 % positive deviation.

Kaya naman pinapapurihan sila ng kanilang masipag na BoC-NAIA District Collector Mimel Talusan.

Mabuhay kayong lahat sa TMW!

Keep up the good work Chief Ronald Moreno!

***

Binabati ko pala ang buong Port of Limay dahil naabot na nila ang kanilang regular yearly target collection.

Ang mga opisyal ng Limay ay talagang nagsisikap maabot ang target at ginagawa nila lahat ang kanilang makakaya.

Sikap at sakripisyo na kahit malayo sa pamilya nila ay serbisyo publiko pa rin ang ipinamalas!

Kudos to the men and women of the Ports of Limay and Mariveles.

Another year has passed as we have done our jobs properly and efficiently in the most lawful way.

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *