Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel Soriano pinakasikat na naglaro sa “Bawal Judgemental” studio audience & viewers inaliw

Walang kupas pa rin ang Diamond Star na si Maricel Soriano pagdating sa hatawan sa dance floor sa pinauso niyang dance step sa disco hit noong 80s na “Body Dancer.” Yes si Maricel ang latest celebrity na naglaro last Saturday sa isa sa patok na segment ngayon sa Eat Bulaga na “Bawal Judgemental” na talaga namang rating. And among the celebrities ay si Maria ang pinaka-big star at game na humula sa mga naging girlfriend ng isa sa contestant sa Pa-Macho Men na si Dexter Belga na kinabog pa ang mga tunay na pogi sa rami ng naging siyota.

Imagine pinagsabay niya sa parehong buwan at taon ang dalawang girl sa buhay niya, kasi naman gentleman daw at maalaga. Tawang-tawa si Maricel habang hinuhulaan ang pitong girls na naging parte ng buhay ni Dexter. At pati studio audience at kasamang handler at kagawad ni Maria ay nakihula rin.

Tatlo ang mali na sagot ng mahusay na actress, kaya ang total money na kanyang napanalunan ay P35K. Nagwagi na siya, nakapag-promote pa ng kanyang latest horror movie na “The Heiress” na magkakaroon ng red carpet premiere tonight, Nov 25 sa SM Megamall Cinema 7.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …