Tuesday , April 29 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Disiplina ng titser sa estudyante dapat magulang ay katuwang

NAGING maingay nitong nakaraang linggo  ang ginawang pamamahiya at tila paghatol ni Raffy Tulfo sa isang guro na tanggalan ng lisensiya sa pagtuturo na inireklamo ng isang lola sa kanyang programa dahil dinisiplina ang kanyang apo.

Una, nakalulungkot na nagawa pang pumunta sa programa ni Raffy Tulfo ng lola gayong nag-usap na pala sila sa principal’s office.

Bumuhos ang suporta ng netizens kay Titser Melita Limjuco dahil talagang ang nangyari sa kanya  ay tahasang pagyapak sa kanyang karapatan na protektado dapat ng Magna Carta for Teachers.

‘Yun bang tipong ikinahon si Titser sa mga pagpipilian na magretiro na lang sa trabaho kaysa masampahan ng kasong kriminal.

Mantakin n’yo naman, 24 na taon na sa serbisyo si Titser tapos biglang sisibakin nang walang due process?!

Wattafak!

Sa bahagi naman ni Raffy Tulfo, para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tagal na rin ng kanyang programa at ‘pagtulong’ sa mga sumbungerong nagsusumbong, aba mukhang nalagay  siya sa alanganin.

Bigla tuloy natin naalala noong panahon na wala pang sumbungan ang mamamayan.

Isa rin akong makulit na estudyante, katuna­yan  sa sobrang kulit ko, hindi ako pinaakyat sa entablado ng titser, kahit ako ay honor student.

Pero hindi naman iyon lumatay sa isip ko para magtanim ng galit, bagkus ay ginawa kong aral sa buhay.

Talagang iba ang pagdidisiplina noong araw lalo sa Catholic schools pero ang mga magulang noon ay nagpapasalamat sa mga titser  kapag nadidisiplina ang mga anak nila. Hindi gaya ngayon na parang aping-api ang mga anak nila. At parang laging susugod sa giyera.

Hindi pa tapos ang laban ni Titser Melita, pero marami ang naniniwala na  siya ay protektado ng Civil Service Law at Magna Carta for Teachers.

Sa bahagi naman ng programa ni Raffy Tulfo, pakiusap lang po huwag na nating gamitin ang damdamin o emosyon ng mga taong lumalapit sa inyo.

Aba, more than 323,000 dislikes na ang natatanggap ng YouTube channel ng mga Tulfo sa partikular na video ng reklamo laban kay Titser Melita.

Pero alam naman natin na kumita pa rin ‘yung YouTube channel ng mga Tulfo lalo na kung pinanood ang video.

Hangad natin na matapos ang asuntong ito nang mapayapa at maayos at hindi dapat mawala si Titser Melita sa teaching force ng Maynila.

Palagay natin ‘e hindi papayag si Yorme Isko nang ganyan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *