Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ampatuan massacre… Isang dekada ng inhustisya

“SINO ang pumatay sa tatay ko?”

Ito ang naiiyak na tanong ng batang si Princess Arianne Caniban, 10 anyos, sa isang programang inilunsad ng mga anak ng biktima ng Ampatuan Massacre noong 23 Nobyembre 2009 kamakailan.

Bukas, 23 Nobyembre 2019, eksaktong 10 taon o isang dekada nang naghihintay at umaasam ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktimang umabot sa 58 katao kabilang dito ang 32 mamamahayag.

Hindi lamang ang pamilya ng mga biktima ang naghihintay. Nakaabang ang sambayanang Filipino sa ibababang hatol ng hukuman sa Quezon City sa 20 Disyembre 2019.

Isa lang ang tanong, sa mahabang panahon ng paghihintay nina Princess Arianne (noo’y sanggol pa lamang at ngayon ay 10-anyos na) at iba pang mga anak ng mga biktima. Makakamit kaya nila ang katarungan?!

Sa mga organisasyong nagsulong at tumulong sa kasong ito, alam nating mayroong totoo at hindi iniwan ang mga pamilya ng mga biktima.

Pero, mayroon ding ginamit sila sa propaganda, lalo na tuwing sasapit ang eleksiyon. Mayroon ding mga nagpasiklab… at ang nakalulungkot baka may kumita pa.

Parang sa rami ng mga nagsabing tumu­tulong sila at isinusulong ang laban dahil sila umano’y mga ‘crusader’ (pwe) at ‘freedom fighter’ kuno, ‘e iilan lang ang nakita nating seryosong umagapay sa pamilya ng mga biktima, mula umpisa hanggang sa kasalukuyan. Hindi ‘yung bigla na lang nagsasalita at nag-iingay kapag dumarating ang ‘petsa ng pamamaslang.’

Hindi pa natin nalilimutan, noong panahon na pangulo ang inyong lingkod ng National Press Club (NPC) ay dumalo pa tayo sa pagdinig doon sa Bicutan.

Isa rin tayo sa naghain ng petisyon na magkaroon ng live coverage na napag­kasunduang maglalabas ng malaking monitor para makita ang kaganapan sa pagdinig.

Pero mayroong isang abogadong umapela kaya imbes magkaroon ng live coverage ay ipinagbawal na lang ng korte.

History na lang ngayon si Mr. Lawyer.

Pero ang isang organisasyon, gaya ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), isa sa mga organisasyong hindi iniwan ang mga biktima ng Ampatuan massacre ay maglulunsad mamaya, 7:00 pm 22 Nobyembre ng #fightfor58 A Concert for Justice sa Mow’s Bar, Matalino St., Quezon City.

Ang kikitain sa nasabing konsiyerto ay mapupunta sa mga kaanak ng mga biktima.

Bukas 5:00 am. 23 Nobyembre, bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ay magkakaroon ng Kapihan para sa Hustisya at ang Journalists’ Community Mural Painting for Press Freedom sa Mehan Garden, Ermita, Maynila.

Suportahan po natin ang mga aktibidad na ito para sa mga kaanak at pamilya ng mga biktima.

Umaasa tayo na katarungan ang hatid na kalatas sa 20 Disyembre 2019.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *