Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

Budget ng Palasyo aprub sa Senado

INAPROBAHAN na ng Senado ang P8.2-bilyong budget para 2020 ng Office of the President na inisponsoran ni Senator Christopher “Bong” Go.

Una rito, tiniyak ni Go ang checks and balances sa pera ng taxpayers na hanggang sa huling sentimo ay gagamitin para sa kapakanan ng taongbayan.

Tinukoy niya ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tapat, transparent at corrupt-free government.

Nanindigan ang senador na napatunayan ni Duterte ang inaasam ng mga Filipino na isang honest leader sa pamamagitan ng tatlong main agenda na paglaban sa illegal drugs, corruption at kriminalidad.

Tinukoy din ang ilang programa ng administrasyon na nagpapatunay na prayoridad nito ang kapakanan ng sambayanan tulad ng mas maaasahang health services.

Binigyang-diin ni Go na bilang dating Special Assistant to the President, personal niyang nakita ang commitment at dedikasyon ng mga opisyal ng administrasyon kaya naman wala siyang duda na gagamitin ang pondo ng OP para lang sa kapakanan ng sambayanan.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …