Saturday , November 23 2024

Puerto Prinsesa International Airport talamak din sa human trafficking?!

NAKARATING sa ating kaalaman na sa kabila umano ng mahigpit na pagbabantay ngayon sa Bureau of Immigration -NAIA at ilan pang airports laban sa sindikato ng human trafficking ay bigla raw nakatagpo ng kanilang ‘bagong daan’ ang mga nagpapalusot.

Ginagawa umanong salyahan ngayon ng mga turistang Pinoy worker ang Puerto Prinsesa International Airport sa Puerto Prinsesa, Palawan bukod sa Clark International Airport?!

Mismong ang hepe umano ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) na si Timmy “Mayora” Barizo ang dapat ay nakaaalam (o hindi alam?) ang kasalukuyang sitwasyon na ang mga Pinoy tourist na patungong Taiwan ay nagbabayad ng P80,000 kada ulo?

Huwaw?!

Paldo-paldo ang mga taga-PPIA?!

Ang aga ng Pasko nila, huh?!

Natagpuan umano ang ‘bagong minahan’ matapos madiskubre ng mga sindikato ng human trafficking na puwede palang mag-connecting flight sa Taiwan ang overseas Filipino workers (OFWs) patungo sa kanilang destinasyon sa Middle East.

‘Di ba may Hong Kong commercial flight din sa Palawan so hindi lang pala Taiwan ang puwedeng pagkakitaan doon?

Ang yummy naman pala ng lugar na ‘yan!

Kaya pala ganoon na lang kaagresibo ang Immigration Officers na magpadestino sa nasabing lugar dahil sa nakatagong mina.

No wonder kaya naman pala “bossing na bossing” ang feeling ng mga nadedestino riyan kapag natikman ang biyaya ng Palawan!

Ang siste, papayag kaya si BI-TCEU head Mayora Timmy na masalaula ang hindi pa polluted na lugar ng Puerto Prinsesa, Palawan?

Ating abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *