GALIT na ipinag-utos ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Bernabe Balba ang pag-aresto sa isang pulis-Maynila makaraang mag- viral pa sa social media ang ginawang pananakit sa isang 12-anyos binatilyo na nakasira sa side mirror ng kanyang sasakyan, kamakailan sa Pandacan, Maynila.
Ayon kay Balba, sisiguradohin niyang matatanggal sa serbisyo ang pulis na si P/MSgt. Dennis Piad, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit at residente sa Maaliwalas St., Kahilum 2, Pandacan, Maynila sa oras na mapatunayang guilty sa pananakit sa bata
Sinisiguro ni Balba na walang mangyayaring whitewash sa isa-sagawang imbestigasyon laban kay Piad dahil hindi umano kokonsin-tihin ang maling gawain ng kan-yang mga tauhan.
Sa imbestigas-yon ng pulisya, naganap ang in-sidente noong 13 Nobyembre, 1:00 pm nang makita ni Piad na nasira ng binatilyong si James,ang salamin ng kanyang sasakyan.
Kitang-kita sa viral na kopya ng CCTV na sinasaktan ng pulis ang binatilyo habang pinagmumura hanggang puntahan ng kanyang ina at inawat ang pulis sa pananakit sa kanyang anak na kaagad dinala sa pagamutan.
Dahil sa mga pasa sa katawan ng anak desidido ang ina na sampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 o anti- child abuse protection law, ang pulis.
Nabatid na si Piad ay sumasailalim ngayon sa Field Training Officer Course.
(BRIAN BILASANO)