Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa 60 rehistrado… 10 POGO lang nagbabayad ng buwis sa BIR

HINDI nakokolektahan ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 60 rehistradong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na may operasyon sa bansa, ayon sa ulat ng isang Victoria Tulad sa Quick Response Team (QRT).

Nalantad ito sa hearing ng House Committee on Ways and Means at nabatid din na ang 50 roon ay nakabase sa kanilang bansa sa China pero mayroon silang mga empleyado sa Filipinas — na hindi rin nagbabayad ng buwis.

Wattafak!

E kapag inaral pa ngayon ng mga awtoridad ‘yan baka lumabas pa na wala silang violation sa pananatili sa ating bansa kahit sila ay nagtatrabaho rito at hindi nagbabayad ng buwis?!

Ano kayang masasabi rito ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE)?

Mismong si Committee chairperson Joey Salceda ay inihalimbawa ang ulat ng Office of the Government Corporate Counsel’s (OGCC) na nagsasabing hindi kaya ng BIR na patawan ng buwis ang POGOs.

Ayon kay Salceda, “Sabi po ng OGCC sila ay non-resident corporation and therefore ‘yung operasyon nila ay non-taxable. So hindi natin nagagamit ‘yung buwis.”

Butas-butas nga naman ang batas natin kung POGOs ang pag-uusapan. ‘Yan kaya ay napag-uusapan ng ating mga mambabatas?!

Pero sabi ng mga mambabatas, dapat daw ipatigil muna ng pamahalaan ang operasyon ng POGOs kung sila ay hindi napapatawan ng tamang buwis.

“If we cannot tax it properly, Mr. Chair, we might as well scrap the whole thing. Why? Because it is not helping the government raise necessary revenues for that,” ayon ‘yan kay Minority Leader Representative Bienvenido Abante, Jr.

Pero sabi ni Congressman Salceda, “both overseas-based and Philippine-based POGOs can be taxed. This was the goal of my House Bill 5267, which charges a 5 percent tax on their profit.”

Kung maaprobahan daw ‘yan, ang gobyerno ay kikita ng P45 bilyon sa loob ng isang taon bukod pa sa sisingiling corporate income tax sa POGOs.

Pero ayaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng nasabing mungkahi dahil masyado raw mataas nag nasabing buwis.

Anyare?!

Sa datos mismo ng PAGCOR at ng Bureau of Immigration (BI) mayroong 80,000 hanggang 140,000 POGO employees sa country, na karamihan ay Chinese nationals.

Kung mapapatawan ng karampatang buwis ang mga dayuhang ‘yan, aba malaking bagay ‘yan sa ekonomiya ng bansa natin.

Ang siste, mukhang si Kim Wong lang ang nakasasalo ng lahat ng biyaya ng POGO, at sa pagiging maluwag ng BI, DOLE at iba pang ahensiya ng pamahalaan, kaya pawang ‘momo’ lang ang napupunta sa gobyerno?!

Ano na ba talaga ang estado ng POGO na naririto sa ating bansa?!

Talaga bang nandito sila para pagsamanta­lahan ang ekonomiya ng bansa?!

Pagcor, BI, paramdaman naman kayo ng malasakit para sa ekonomiya ng bansa.

Huwag namang puro pabor kay Kim Wong, pakitain n’yo rin ang gobyernong Filipino.

Puwede ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *