Saturday , November 16 2024

Misis nilait sa publiko mister kalaboso

KULONG ang isang truck driver matapos laitin at  akusahang nanlalalaki, sa harap ng publiko at ti­nang­ka pang hampasin ng helmet sa ulo ang kanyang kinakasama sa Malabon City.

Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children’s Act ang isinampa ng pulisya laban sa suspek na kinilalang si Roderick Santos, 46 anyos.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Diana Palmones ng Malabon Police Women and Children Protection Desk (WCPD), dakong 10:00 pm, sinundo ni Santos ang kinakasamang itinago sa pangalang Shella, 36 anyos, factory worker, sa pinagtatrabahuang pabrika sa Atis Road, Brgy. Potrero, kasama ang maliit nilang anak sakay ng isang motorsiklo.

Nang lumabas ng pabrika ang ginang, agad sinigawan ng lalaki at inakusahan na nangmanyak ng lalaki sa loob ng pabrika.

Pinagsabihan umano ng suspek ang kinakasama na mahilig sa sex, na naririnig ng mga nakapaligid na tao sa lugar, at napuna ang ginagawang eskandalo ng lalaki.

Dahil sa hiya, hindi na lang kumibo ang babae, kaya’t  lalo pang nagsisigaw ang lalaki at tinangka pang ihampas sa mukha ng ginang ang hawak na helmet.

Dito na humingi ng tulong ang biktima sa barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip kay Santos. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *