NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na malabong makiaalam ang United Nations sa pamamalakad ni Vice President Leni Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs ( ICAD).
Ito ang naging reaksiyon ni Sotto sa lumabas na report na tutulong ang UN kay VP Robredo sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Sotto, hindi alam ng UN ang paksiyon ng ICAD kung kaya’t malabong makialam ang UN sa pamamalakad ni Robredo.
Iginiit ng senador, hindi magandang makialam ang ibang bansa o anumang international organization partikular ang UN sa kampanya ng gobyerno ng Filipinas kontra droga.
Dagdag ni Sotto, posibleng research lang ang gagawin ng UN at hindi makikialam sa internal matters ng Filipinas.
(CYNTHIA MARTIN)