Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Syndicated vendors’ nga ba ang bumababoy sa lungsod ng Maynila?

MATINDING eksasperasyon at pagkadesmaya ang naramdaman natin kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso habang siya ay nasa gitna ng nagkalat na basura sa Ylaya Divisoria.

Talagang grabe ang galit na naramdaman ni Mayor Isko.

Sabi nga niya, “Pinagbigyan na kayo, pinaghanapbuhay na kayo, tapos bababuyin n’yo lang?

“O Ganyan ba kayo karumi sa mga bahay ninyo?”

Akala nga natin ‘e ipatatawag ni Mayor Isko ang mga ‘enkargado’ sa nasabing lugar at bibigyan ng instructions upang linisin ang mga basurang iniwan ng mga vendor.

E sino-sino ba ang enkargado (in-charge) riyan?

Si Yorme Kois? Alone?!              

Wattafak!

Nariyan po ang barangay, PCP, MMDA, at iba pang tinukoy na ahensiya at operatiba para mamantina ang kalinisan.

At ang higit na nakabubuwisit, nagagalit na si Yorme, wala man lang nagkukusang kumuha ng walis para linisin ang mga kalat?!

E gusto na nating maniwala na ang mga vendor na nakapuwesto riyan ay hindi talaga taga-Maynila at hinakot lang ng sindikatong nag-oorganisa ng mga vendor para magtinda sa Divisoria.

‘Yan siguro ang ultimong dahilan kung bakit ayaw nilang linisin ang mga kalat nila — hindi sila taga-Maynila!

Ikalawa, mayroon silang tongpats sa kanilang organizer/s na nagsasabing sila ang maglilinis ng kalat pero hindi naman nila ginagawa.

Mantakin n’yo naman, nang pumunta si Yorme, 5:30 am para mag-inspeksiyon walang kasamang media. Ipina-video lang niya ang insidente.

Pero noong ang mga vendor na ang nag­rereklamo at nakikiusap umano, ang daming taga-media. 

Kaya ‘yung mga vendor, sa harap pa ng camera nagdadakdak.

Ts tsk tsk…

Pinagkakitaan na ang mga vendor, ginawa pang pananggalang at higit sa lahat ginawa pang tanga.

E ‘di klarong sindikato!

         

UNDERPASS NA BAGONG
PINTURA, GINUHITAN
NG OPLAN PINTA (OP)
NG MGA AKTIBISTA

Wattafak!

Sapak naman talaga itong mga kabataang aktibista. Mantakin ninyong bagong pintura lang ‘yung underpass ‘e agad nilagyan ng OP o operation pinta.

Aba ‘e mga aktibista ba talaga kayo o gusto lang ninyong makapanggulo?!

‘Yan lang ang alam ninyong paraan para mapansin ng goyerno?!

Dapat siguro, bukod sa paglalagay ng CCTV camera sa area na ‘yan ‘e magpa-ronda ng mga tanod o pulis diyan sa area ng underpass sa P. Burgos Drive, northbound at southbound.

Uulitin lang po natin, iba ang nagagawa ng police visibility.            

Pakiusap naman natin sa mga kapatid nating aktibista, irespeto naman natin ang propriedad ng bayan.

Mag-organisa kayo at magpalawak para mas marami ang mamulat. Huwag kayong magkalat at mang-asar.

‘Yun lang. 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …