TAHASANG inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pumalpak ang Build Build Build projects ng Duterte administration matapos lumabas na hindi ito naipatutupad nang maayos.
Ayon kay Drilon, sa loob ng 75 Build Build Build projects, tanging 9 proyekto pa lamang ang nagagawa ng gobyerno sa loob ng tatlong taon na labis na ikinababahala ng senador.
Sa budget deliberation sa senado hindi maipaliwag kung bakit siyam pa lamang ang nagagawa ng gobyerno sa loob ng 75 priority projects.
Duda rin si Drilon sa ipinagyayabang ng gobyerno na matatapos ang 40 proyekto sa Build Build Build programs ng pamahalaan sa 2022.
Sinisi ng senador ang DPWH at DOTr kung bakit naging palpak ang Build Build Build projects ng gobyerno.
Tinawag na worse performers ni Drilon ang DPWH at DOTr sa pagpapatupad ng proyekto.
(CYNTHIA MARTIN)