Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PCSO Peryahan ng Bayan pinayagan ng Court of Appeals na muling maglaro

NITONG huling linggo ng Oktubre, nakakuha ng status quo ante order sa Court of Appeals (CA) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para Peryahan ng Bayan.

Kaya antimano, nitong 27 Oktubre muling binuksan ang mga palaro sa ilalim ng Peryahan ng Bayan pero tatawagin na sa bagong pangalan na Peryahan Games.

Sa pahayag ni PCSO general manager Royina Marzan Garma, binuksan muli ang laro ngunit hindi sa lahat ng 15 lugar na may orihinal na hawak ng permit ang pinayagan makapag-operate.

Tanging sa Cebu City, NCR Central District, Rizal, Pangasinan, Oriental Mindoro, Bohol, Palawan, Puerto Princesa, Zamboanga City, at Zamboanga del Sur.  

Ipinaliwanag ni Madam Garma na ang mga operators na walang Small Town Lottery (STL) ang pinayagang makapag-operate ng Peryahan Games.

‘Yan ay para maiwasan umano ang ‘conflicts’ sa pagbebenta dahil sa iisang laro na lamang nakatutok.

Matatandaan na una nang pinatigil ng PCSO ang operasyon ng Peryahan dahil hindi nakapagre-remit ang Globaltech Mobile Online Corp (Globaltech) ng halos P100 milyong kita nito.

Kinuwestiyon ng kompanya ang desisyon ng PCSO sa katuwirang hanggang 2022 pa ang kanilang permit to operate na isinasaad sa kanilang Deed of Authority.

Sa desisyon ng CA, kinatigan nito ang Globaltech at sinabing legal ang ope­rasyon ng Peryahan batay sa isinasaad ng status quo ante order na pinapayagang makapag-operate muli ang Peryahan habang nasa arbitration ang kaso.

O ‘yan, klaro ang isinasaad sa desisyon ng CA.

Ito ay malinaw na hakbang upang ma-eliminate na ang mga ilegalistang peryante na matagal nang namamayani sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ugat din ‘yan ng  korupsiyon mula sa lokal na barangay, pulisya, at sa media.

Hindi pa natin nalilimutan ang pagpaslang kay Jupiter Gonzales, kolumnista ng Remate, sa harap mismo ng isang peryahan sa Arayat, Pampanga.

Alam nating maraming nabibigyan ng trabaho ang mga perya pero ang tanong paano sila nagbabayad ng buwis sa gobyerno?!

At ‘yan ay papel na ng PCSO.

Hindi naman lingid sa publiko na ang perya ay hindi lamang rides dahil ang mas pinagkikitaan diyan ay mga perya games gaya ng color games, hulog holen at iba pa.

 Kung nasa regulasyon ng PCSO ang mga perya games, mapipilitan na silang magbayad ng buwis at hindi na nila kailangang pumasok sa protection racket.

Antabayanan natin ang kahihinatnan ng kasong ito. Pansamantala, dapat igalang ng PCSO at private company ang desisyong ito ng CA.

         

DFA ALABANG CONSULAR’S
SATELLITE OFFICE PAHIRAP
SA SENIOR CITIZENS

MUKHANG mas nahahaling sa pakikipag­murahan sa ‘twitter’ si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr., kaysa makita ng kanyang dalawang mata kung paano magtrabaho ang mga kawani ng pamahalaan sa DFA – NCR-South na matatagpuan sa Metro Department Store and Supermarket sa 4/F Metro Alabang Town Center, Alabang–Zapote Road, Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Sana ay makita ni Secretary Teddy Boy na napaka-disorganize ng consular office nila sa Alabang.

Dahil disorganisado, napakagulo ng mga proseso, napakakupad ng serbisyo at higit sa lahat napakainit ng lugar.

Walang mga palatandaan at direksiyon kung saan dapat pumunta ang mga PWD at Senior Citizens. Kaya hilong talilong na bago pa matagpuan ang designated places.

Nagtataka tayo kung bakit hindi magawang ayusin ng DFA NCR South ang kanilang tanggapan gayong hindi naman ito kalakihan.

Narito ang ilang feedback ng netizens:

Isang Abby Lopez ang nag-post: “VERY SLOW!!! disorganized lines! Too many appointments for a very small place. Very hot my daughter almost fainted. Better to go to Aseana.”

Jayson Sarangay: Landline # is not approachable.

Omar Villanueva: Super delayed transaction. Expecting September 4, 2019 delivery but up until now no passport yet. (Sept 10 2019) paid express delivery. Cannot call the telephone hotline.

Ilan lang po ‘yan sa mga reklamo.

Akala nga natin, ‘yung nagreklamo lang sa atin ang nakaranas ng masamang serbisyo riyan sa DFA NCR South, ‘yun pala sandamakmak na ‘yang may masamang karanasan diyan sa DFA NCR South.

Secretary Teddy Boy, Sir, hindi lang naman paramihan ng satellite or consular office ang kailangan ng DFA para makapagserbisyo nang maayos.

Kailangan rin po ng mga episyenteng tao at kaaya-ayang tanggapan para magserbisyo.

Kami pong taxpayers ay nakikisuyo sa inyo, pakiayos po ng serbisyo sa mga consular at satellite offices.

Tantanan po muna ang pakikipagmurahan sa twitter.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *