Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nag-walkout sa birthday concert ni Kiel Alo… Morissette Amon pinauuwi nina Bisaya at Daisy Romualdez sa Cebu

KAHIT traffic at maulan last Wednesday ay 80% full ang audience sa Music Museum para sa birthday concert ng alaga ni Jobert Sucaldito na si Kiel Alo. Smooth na sana ang daloy ng show hanggang mag-trantrum ang isa sa guest ni Kiel na si Morissette Amon na nag-walkout dahil hindi raw nagustuhan ang ginawang ambush interview sa kanya ni TV Patroller Mario Dumaual.

Tinanong da kasi siya about her father dahil may issue sila nito.

Habang isinasagawa ang interview ni Kuya Mario kay Morissette at Kiel ay nasa tabi nila ang producer ng concert na si Mama Jobert. At hindi raw nakitaan ni Jobert ng bakas ng pagkairita ang singer kaya hindi niya lubos maisip na hahagulgol ito sa backstage at iniuntog pa nang ilang beses ang ulo sa dingding.

Saka in fairness daw to kuya Mario ay imbitado niya to cover the show at sinabihan pa nga raw si Morissette na sana magkaayos na sila ng kanyang tatay. Positive naman daw ang naging sagot niya kay Mario.

So talagang nag-inarte lang itong si Morissette na ang totoo ay ayaw na talagang mag-perform at pumunta sa birthday ng kaibigang si Moira dela Torre. Mabuti na lang at hindi pumayag si Jobert na aalis na lang nang ganoon si Morissette at handler na si Davic Cosico na kanyang pinagsalita sa stage para humingi ng paumanhin in behalf of his alaga (Morissette).

Para kay Jobert, ayaw niyang isipin ng mga tao na bumili ng tickets at ng kanilang sponsors na niloko niya para bumenta lang ang show ni Kiel, kaya gusto niya sanang papuntahin rin ang singer sa stage para mag-apologize pero talagang malaki na ang ulo na patakbo pang umalis sa Music Museum.

Dahil sa masamang attitude ni Morissette, pinauuwi na lang siya ni Bisayang si Tita Anabelle Rama at Tita Daisy Romualdez sa Cebu. Nag-dialogue pa si Bisaya na tapos na ang career ng singer lalo’t kinalaban ang kanyang tatay.

Well, sino ba naman kasi ang matutuwa sa pag-walkout ni Morissette na lantarang binastos si Kiel Alo sa kanyang birthday show. Sa tindi ng galit sa kanya ni Jobert, ay gusto rin siyang pagtindahin sa Shoemart.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …