Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil may umepal… JC Garcia umatras sa guesting sa concert ni Rachel Alejandro

Ayaw nang patulan pa ni JC Garcia ang singer na malaki ang insecurities sa kanya na matapos niyang tulungan ay nakuha pa siyang siraan. At para wala na lang gulo, si JC ang nag-give way at siya na mismo ang umatras sa guesting niya supposedly sa concert ng magpinsang Racheal at Niño Alejandro sa Ichiban Comedy Bar sa South San Francisco, California.

Well may karapatan namang umayaw ang kaibigan naming singer-dancer-choreographer lalo’t marami na siyang napatunayan bilang solo concert artist. In all fairness siya lang yata ang nakapuno ng Ichiban noong magdaos siya rito ng kanyang birthday concert.

Well, may mga naka-line up pang shows si JC na nagsisimula nang maging popular sa kanyang sariling internet radio show na “It’s Showtime With JC Garcia” sa Fil-Am Radio Sanfo Bay Area na mapapanood worldwide.

Hit rito si JC sa mga patawa niya at greetings on air at si Glenn Snyder ang kanyang latest guest na artist na kilalang one man band sa San Francisco. Talagang naglaan siya (JC) ng oras para mapanood ang show ni Glenn at ang kaibigan niyang recording artist na si Miriam Pantig na sumikat noong 80s sa Filipinas.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …