Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces at pamilya sa Bora nag-Undas; Elena mabawi kaya si Chico sa mag-asawang Fernan at Luz?

DAHIL nagkaroon ng pagkakataon at pahinga muna sa taping ng Pamilya Ko at nag-last taping din sa Bagman 2, bakasyon grande si Rosanna Roces sa Boracay kasama ang live-in partner at handler na si Blessy Arias, anak na si Grace at husband na si Christian at magandang apo na si Maha.

Tumuloy sina Osang sa sosyal na Astoria Hotel sa Bora na sobrang mahal ng pagkain pero na-enjoy naman nila dahil puro masasarap. Nagsawa si Osang sa favorite niyang seafood at pasta at nakapag-island hopping sila na sobra nilang inenjoy lalo ng kanyang granddaughter kay Grace.

Last November 2, balik-Maynila na ang actress at back to work na rin.

Sa kanila ni Chico (JM de Guzman) nakasentro ngayon ang istorya ng kanilang top-rating afternoon drama series na “Pamilya Ko” dahil ibinulgar na sa kanya ni Loida (Irma Adlawan) na buhay ang panganay niyang anak kay Fernan (Joey Marquez) na si Chico kaya matinding komprontasyon ang magaganap sa nabunyag na sekreto. Ipinakita sa teaser ang pagwawala ni Chico sa lihim na matagal na itinago sa kanya ng kanyang pamilya.

Ano ang susunod na tagpo, sasama ba ang binata sa tunay niyang ina na si Elena? Ipauubaya ba siya kay Elena ni Luz at ng amang si Fernan?

‘Yan ang dapat abangan sa pagpapatuloy ng Pamilya Ko na sa latest survey ng Kantar Media noong October 31 ay nagkamit ng 21.5% sa national rating ang serye kontra sa 15.5% rating ng Wowowin ni kuyang Willie Revillame.

Lalo nilang kinabog ang show ng TV host comedian sa Rural na nagtamo ng 23.4% ang Pamilya Ko vs Wowowin na 15.9% lang. Mapapanood ang Pamilya Ko bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …