Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DFA tumiklop na ba sa China?

TULUYAN na ngang bumigay ang Filipinas sa kapritso ng China matapos payagan ng Department of Foreign Affairs na i-attach ang visa ng bansa sa pasaporte ng mga mamamayang Chinese.

Sa isang DFA Foreign Service Circular No. 038-2019 dated 20 September 2019 na ipinadala sa Bureau of Immigration, ipinag-utos nito sa ahensiya na tatakan ng Philippine visa ang mga Tsekwa sa lahat ng Chinese regular e-passports maging sa mga pahina kung saan makikita ang nine-dash line map.

Marami ang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin nito.

Ito raw ba ay tanda ng matibay na pakikipag-kaibigan ng ating bansa sa Tsina? O ito ay tanda ng pagsuko sa ating protesta tungkol sa pinagtatalunang karapatan sa mga isla ng West Philippine Sea??

Well, para sa atin, tanda ito ng pagpapakita ng kahinaan!

Matapos ang walang tigil na kadadakdak sa buong mundo na ang Filipinas ay hindi pabor sa pananakop ng Tsina sa Scarborough shoal ay bigla na lang pala tayong tumiklop?!

Totoo na hindi natin kaya makipagsabayan kung armas at giyera ang pag-uusapan, ‘yun lang ang katangi-tanging protesta na puwede nating ipakita pero sinukuan pa.

‘Di ba malinaw na pagpapakita ng kahinaan ‘yan, Sec. Teddy “Twitter Boy” Locsin?

Nasaan na ang galing natin sa pakikipag-balitaktakan sa social media?

Puro porma lang, ganern?

Samantala, ang Vietnam at iba pang karatig-bansa ay patuloy na naghahabol sa kanilang mga karapatan at magpahanggang ngayon ay patuloy ang pakikipagmatigasan sa kanilang diplomati­kang pamamaraan, tayo naman ay buong pusong tinanggap ang ating pagsuko?

Where is now our “yag-bols” Mr. Secretary??

Gaganahan pa kaya ang United Nations na tulungan tayo kung bigla tayong bombahin ng mga Intsik na ‘yan gaya ng ginawa ng Turkey sa Syria?

Sa ngayon ay hindi malayong nagbubunyi ang Tsina sa nangyari at sandaling panahon na lang ay tuluyan nang papalitan ang pangalan ng bansa bilang “Philippine Islands, Province of China.”

Kosing-gawlu!

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *