“NAG-AAKSAYA lang kayo ng laway, hindi pa kayo nakatutulong.”
Ito ang buwelta ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga bumabatikos sa gobyerno at sa ginagawang relief effort sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Sinabi ni Go, mas mabuting tumulong lahat kaysa puro batikos dahil maraming kababayan ang naghihirap at mapapabilis ang pagtulong kung magkaisa kaysa puro dakdak.
Ayon kay Go, mas mabuting pagtuunan ng pansin ng mga kritiko ang paghahanap ng kahit lumang gamit na puwedeng itulong sa mga biktima para maging mas produktibo pa.
Ilang kritiko ng administrasyon ang nagsabing parusa sa mga taga-Mindanao ang sunod-sunod na lindol.
Sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Go ay kapwa taga-Davao, isang lalawigan sa Mindanao. (C. MARTIN)