DAPAT isapubliko ng mga mambabatas ang kanilang isinusulong na amendments sa pambansang badyet para sa susunod na taon, sa pamamagitan ng kanilang websites.
Ito ang naging hamon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga kasamahan sa lehislatura upang tiyaking walang ‘pork’ ang mga pondong nakapaloob sa 2020 national budget.
Sa pagbubunyag ng senador, nakaugalian na ng ilang mambabatas na ibulong na lamang o kaya’y isulat sa napkin ang kanilang individual amendments, at isumite ito sa chairperson ng finance o appropriations committee. Dahil sa kala-karang ito, karaniwang na-uuwi sa bulsa ng mga mam-babatas ang malaking ba-hagi ng pondo para sa mga proyekto na isinulong nila sa pamamagitan ng individual amendments.
Una nang ipinaskil ni Lacson sa kanyang website ang mga institutional amendments na isinulong niya para sa pambansang gastusin para sa 2019.
Ang institutional amendments ay base sa kahilingan ng mga ahensiya para sa prayoridad na proyekto bukod sa una nilang naisumite. Dumaan ang ganitong klaseng amendment sa pagpaplano at pagsusuri.
Ang individual amendments ay isinusulong ng mga mambabatas. Kadalasan, wala silang konsul-tasyon sa mga implementing agency. Maaaring ituring na pork barrel ang individual amendments base sa ruling ng Korte Suprema noong 2013, na sakop ang “all informal practices of similar import and effect, which the Court similarly deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction.”
Kung lahat ng amend-ments ay mailalagay umano sa websites, magiging klaro ito sa publiko at mawawala rin ang pagdududa na nagbubulsa ng pondo ang mga mambabatas.
Para sa mambabatas, pinakamainam na magkaroon ng transparency.
(CYNTHIA MARTIN)