Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Business minded people, Mag-ingat kay alyas Lovely… but deadly

HUSTLER na, estafador at manggagantso pa.

‘Yan ang bungad sa inyong lingkod ng mga biktima ng investment scam ni alyas Lovely… but deadly.

Ibang klaseng magpasakay si Lovely but deadly. Sa una, hihikayatin ka niyang mag-invest sa business niya.

Siyempre dahil sa prinsipyong kaysa matulog ang pera sa banko o kaya sa vault, ipasok na lang sa investment, kikita pa nang malaki o mabilis.

At ‘yun nga, sa ganoong ‘prinsipyo’ nakadale si Lovely… hindi barya-barya kundi milyones.

Noong una pakikitain naman niya ang nag-invest. Ang bait! Potek!

Halos ibigay ang lahat ng kita na para bang pang-kape lang ang share niya sa kinita.

At dahil doon, aalukin ka niya ulit, o kung gusto mo dagdagan mo pa ang investment mo. O kaya ‘yung kikitain mo ngayon idagdag mo na sa investment.

Siyempre, in good faith ka naman, at hindi pinag-iisipan nang masama na isa palang manggagantso itong si Lovely but deadly, komporme ka naman agad sa alok.

Heto na, kapag nagdagdag o nagpasok na ng malaking halaga, doon na titirada si Lovely but deadly.

Doon na magsisimulang tumalbog ang kanyang mga tseke. Mataas pa ang talbog sa bola ng tennis. Maghabol ka na sa tambol mayor, wala siyang paki.

Hindi lang 20 tao ang nabiktima nitong si Lovely but deadly na nagatasan niya nang daan-daang milyon.

Ganyan kalupit kung gumawa ng kuwarta si Lovely. Talagang deadly!

Heto ngayon, dahil nahaharap siya sa patong-patong na kaso ng estafa at swindling kumuha ng mga ‘sikat’ na abogado si Lovely the deadly. Sikat na abogado pero hindi de-campanilla.

At ang unang operation, sampahan ng kaso ang kanyang mga biktima. At sa ‘husay’ ng abogado niya, na-media hype pa ang pang-aasunto sa mga biktima sa ilang pahayagan.

Sila ang naloko, sila pa ang pinalabas na sinampahan ng kaso ng manggagantsong si Lovely the deadly.

Malamang tumodas na ng tosgas si abogado mula sa bulsa ni Lovely the deadly — na naka­pang­goyo nga nang milyon-milyon sa kanyang mga biktima.

Sabi nga ng isang biktima ni Lovely the deadly, lalong hindi na makapagsasauli ng pera si Lovely the deadly, kasi uubusin na ng abogado niya ang mga naharbat niya sa mga investor.

In short, nakahanap na ng katapat si Lovely the deadly — dahil mismong abogado niya ang uubos sa mga hinarbat niyang kuwarta sa kan­yang mga biktima.

Ang bilis ng karma, ‘di ba, Lovely the deadly?! As in ‘digital karma!’

Ikaw mismo ang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo mo!

Hindi ka pa man nakaka-first base sa gawa-gawa mong reklamo, said agad ang kuwartang hinarbat mo sa mga nagtiwala sa iyo.

Kaya babala lang po sa mga magogoyo ng ‘matatamis na dila’ ni Lovely the deadly, huwag na huwag kayong magtatangkang magtiwala kahit singkong duling dahil diyan na mag-uumpisa ang masamang pakikipagnegosyo sa babaeng ‘yan…

Beware… her name is Lovely… but deadly!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *