Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ArMaine bashers, basag na basag; Arjo Atayde, tinawag nang beki

HINDI pa rin talaga maka-move on ang bashers ni Arjo Atayde sa napanood nilang panayam namin sa aktor kamakailan na inamin na niya ng pormal ang tungkol sa kanila ni Maine Mendoza.

Sa ‘no holds barred’ interview namin kay Arjo ay napaamin namin kung ano ang paborito nilang kanta, ang I’ll Never Love Again ni Lady Gaga mula sa pelikulang A Star is Born. Nabanggit din ang tawagan nilang dalawa, ‘Babs’, na lagi silang magkasama at ipinagluto na ng aktor ang dalaga.

Nabanggit din ng binata na gusto niyang si Maine ang leading lady niya sa pelikulang ipo-produce niya sa susunod na taon at sana makapunta ang dalaga sa celebrity screening ng Bagman 2.

Bukod dito, hindi na discreet ang ArMaine sa kanilang relasyon dahil madalas na silang napagkikita sa mga okasyon ng pamilya at kaibigan ng dalaga.

Hindi lang sinagot ni Arjo ang tanong namin kung ilang buwan o taon na sila ni Maine dahil privacy na nila iyon na totoo naman.

Nakatatawa ang bashers ng binata dahil sa bawat kuwento niya ay sinasagot ito ng may ayaw sa kanya at nag-iilusyon lang siya sa mga pinagsasabi dahil matagal siya bago sumagot sa mga personal question namin.

At dahil basag na basag na ang mga nag-iilusyong supporters na may relasyon sina Maine at Alden Richards ay kung ano-ano na ang ikinakalat nila sa social media na halatang photo shop ang litrato ni Arjo na tinawag na ‘beki’.

Kawawa naman ang bashers na ito o sinuman ang nakaisip o nag-imbentong sabihang ‘beki’ si Arjo. Paano magiging beki ang aktor, eh, ‘di sana alam ito ni Maine? At sa tingin namin ay hindi naman gugustuhin ng aktres na beki ang boyfriend niya. Sigurado rin kami na hindi rin magugustuhan ng pamilya ng dalaga ang binata kung beki siya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …