Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Two Love You” movie nina Yen Santos, Kid Yambao at Lassy Marquez produce ni Ogie Diaz (Level-up na ang career)

Bukod sa pagiging komedyante at talent manager ay pinasok na rin ni Ogie Diaz ang pagpo-produce ng pelikula at ang first movie venture ni Ogie ay “Two Love You” na pinagbibidahan nina Yen Santos, Kid Yambao at Lassy Marquez na ipapalabas na ngayong 13 Nobyembre sa maraming sinehan sa buong bansa.

Actually, hindi lang produ dito si Ogie kundi siya rin ang sumulat ng script nito katuwang sina Carlo Ventura at Benedict Mique na mala-kuwento ng kanyang buhay. At dahil matagal nang friend ni Ogie si Yen, nang alukin niya ito para maging isa sa lead cast sa Two Love You, ay agad tinanggap ng aktres.

“Mahal ko ‘yan kasi matagal na kaming magkaibigan since 2011 pa, mula no’ng pinaiyak niya ako sa set ng Mutya (serye), naging magkaibigan na talaga kami and ako ang take ko roon, it’s an honor for me kasi ako ‘yung naisip niyang artistang babae sa first movie na ipo-produce niya.

“Sakto naman kasi ‘yung concept niya very light naman kasi after no’ng Halik heavy drama sabi ko, after nitong Halik, break muna tayo sa drama kaya ito ‘yung perfect project after no’n,” pahayag ng dalaga.

Isa sa eksenang aabangan kay Yen ang torrid kissing scene nila ni Kid, na biniro pa raw siya ni Ogie na ipina-edit niya dahil sobra ‘yung ginawa nilang laplapan ng nasabing leading man.

Nadala raw kasi si Yen sa eksena nilang ito ni Kid.

Siyempre pagdating naman sa comedy scenes ay bahala na riyan ang tandem nina Lassy Marquez at MC Calaquian na sinamahan pa ni Dyosa Pockoh.

Parte rin ng casts ng Two Love You si Arlene Muhlach at marami pang iba na idinirek ni Benedict Mique.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …