Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cebu Pac bukas na sa bagong aplikasyon (Para sa cadet pilot program)

BINUKSAN ng Cebu Pacific, pangunahing flag carrier sa bansa, ang paghahanap ng 16 bagong recruits upang sumailalim sa kanilang cadet pilot program.

Maaaring mag-apply ang mga Filipino college graduates na proficient sa English, may average grade na hindi bababa sa 80% o equivalent nito sa mga subject na may kaugnayan sa Math, Physics at English, at nasa maayos na kondisyon ang pangangatawan.

Tatakbo ang application period para sa ika-siyam na batch ng Cebu Pacific Cadet Pilots mula 4-13 Nobyembre 2019.

Maaring mag-apply online ang mga intersadong aplikante sa https://www.surveymonkey.com/r/JWFMS5G.

Walang sisingiling application fee para sa programa at tanging mga nakapasa sa online pre-screening ang maaring tumuloy sa mga susunod na bahagi ng proseso ng pagpili.

Ang Cebu Pacific Cadet Pilot Program ay isang “study now, pay later, zero-interest” training program upang maging full-fledged commercial pilots na may guaranteed employment mismo sa Cebu Pacific.

Sasagutin ng Cebu Pacific ang lahat ng mga gastusin at bayarin ng mga makapapasang cadet-pilots sa pamamagitan ng salary deduction na hahatiin sa loob ng sampung taon.

Tatakbo ang programa sa loob ng 52 linggo kasama ang isang linggong integrated flight training, theory and education at Flight Training Adelaide (FTA) sa Adelaide, Australia —itinuturing na isa sa pinakamagagaling na aviation schools sa rehiyon.

Sasailalim sa karagdagang apat na linggong pagsasanay upang maging kalipikadong kumuha ng Pilot’s License mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa http://www.flyfta.com/pilot-training/cebu-pacific-cadet-program.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …