Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Bebot na tulog binoga sa loob ng bahay, patay

HINDI na nagising ang isang 38-anyos babae makaraang barilin nang hindi nakilalang gunman habang nasa mahimbing na pagtulog sa tinu­tuluyang unit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat na nakarating kay Manila Police District(MPD) Director P/BGen. Bernabe Balba, kinilala ang biktimang si Maela Prisno, may live-in partnr, taga-314 Blk.15-A Baseco Compound.

Sa imbesti­ga­syon ni P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong 11:20 pm nang pasukin ang bikti­ma sa loob ng kan­yang tinutuluyang unit saikalawang palapag.

Nakatakas ang gunman, bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam ng pulisya ang motibo ng pama­maslang kung may kinalaman sa operasyon ng ilegal na droga ang pagpaslang sa biktima.

Nakalagak sa Cruz Funeral para sa awtopsiya ang bangkay ng napaslang na biktima.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …