KINOMPIRMA ni Senator Christopher “Bong” Go na hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng incentives ngayong Pasko ang barangay officials.
Ayon kay Go, batid niyang nasa committee level pa lang ang kanyang isinusulong na panukalang batas na pagkakaroon ng buwanang suweldo ng mga barangay officials gaya ng regular employees sa mga tanggapan ng gobyerno.
Sinabi ni Go, dahil hindi na makaaabot ang panukala niyang suweldo sa mga opisyal ng barangay ay makabubuting bigyan sila ng incentives sa Disyembre.
Paliwanag ni Go, ang barangay officials ang unang nilalapitan ng mga mamamayan kaya karapat-dapat sila sa pagkilala at tulong.
Bukod sa buwanang suweldo, kasama sa panukala ni Go na maibigay ang incentives sa barangay officials nang tulad ng government employees.
(CYNTHIA MARTIN)