Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kung may Santino Ang Kapamilya Network, EBC Films may Guerrero (Julio Cesar Sabenario)

MARAMI na kaming napanood na inspirational movies pero para sa amin ay “Guerrero Dos” ang pinakamaganda at pinaka-touching sa lahat at bato o bakal na lang ang hindi madadala sa istorya ng bawat character.

Malakas na palakpak ang ibinigay ng manonood sa very successful special screening ng “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban” ng EBC Films na ginawa sa INC Museum Theater noong Biyernes ng gabi.

Partikular sa child actor na si Julio Cesar Sabenario na gumaganap na Guerrerro na hindi matatawaran ang husay at galing sa pag-arte.

Very natural actor si Julio at marami siyang pinaiyak sa death scene ng kanyang Nanay mula sementeryo hanggang ospital dahil comatose ang kanyang kuya Ramon (Genesis Gomez) ay hindi tumitigil ang kanyang pagluha sa nasabing eksena.

Heartwarming rin ‘yung pagbibigay niya ng bagong pag-asa sa mag-asawang Delia at Lolo Ruben (Art de Guzman) na hindi rin siya pinabayaan at siya’y inampon. Sobrang deserve ni Julio ang ipinagkaloob na Best Child Performer sa kanya noong 2017 ng PMPC Star Awards.

At base sa kanyang performance, kung may Santino (Zaijan Jaranilla) ng 2009 May Bukas Pa ay may Guerrero(Julio) naman ang EBC Films na producer ng Guerrerro 1 and 2. Bukod kay Julio, dumalo sa nasabing screening ang ilang co-actors na sina Paolo Marcoleta, Art de Guzman at pretty actress na si Mia Suarez at ang director ng movie na si Carlo Ortega Cuevas.

Samantala, may special cameo role sa “Guerrero Dos” ang award-winning actor na si Victor Neri. Objective ng EBC Films ay maghatid ng mga pelikula na hindi lang magpapatawa o magpapaiyak sa mga manonood kundi makapag-inspire din sa mga Filipino na harapin ang bukas na may pag-asa.

“Kahit na tayong mga Filipino ay naha­harap sa mga pro­blema, dapat maging matatag tayo at patu­loy na luma­ban sa tulong na ating paniniwala sa Diyos. Mission ng nasabing independent movie outfit na maghandog ng quality, entertaining films na may moral values at nakai-inspire sa ating audience. May problema man tayo, hindi tayo dapat sumuko,” sabi ni Robert Capistrano ng EBC Films.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …