ISANG hindi kilalang lalaki ang kompirmadong namatay sa sunog na naganap sa Guerrero Street, Malate, Maynila kahapon.
Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog bago mag-6:00 am sa isang bahay sa Guerrero St., na mayroong kainan.
Umabot ito sa unang alarma at naideklarang fire out dakong 7:14 am.
Isang lalaki ang nakompirmang namatay sa nasabing sunog.
Umabot sa P.2 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.
Patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy.