Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“The Annulment” most daring movie ni Lovi Poe (Maraming intimate scenes kay Joem Bascon)

PINAG-UUSAPAN ang uncut trailer nina Lovi Poe at Joem Bascon sa “The Annulment” na sobrang daring ni Lovi sa sandamakmak na intimate scenes lalo sa shower scene nila ni Joem na nag-breakdwown daw ang leading man sa nasabing eksena pero nagawa naman nila nang maayos. Ito ang ini-reveal ni Lovi sa grand mediacon ng kanilang movie na nakatakdang ipalabas sa maraming sinehan sa buong bansa sa November 13.

Nang tanungin ang actress, tungkol sa annulment kung gagawin ba niya ito sakaling hindi na sila magkasundo ng lalaking pakakasalan in the future?

“Definitely try to save it, of course, do my best to save the relationship. I can’t say this earlier but when we enter relationship or commit ourselves to someone, we really do not want to end badly. We want to work things out. So hangga’t kayang ipaglaban, ipaglalaban, pero siyempre there are things that you can’t fix,” pahayag ni Lovi sa invited entertainment press and vloggers.

Sa ngayon at her age, tender 30 years… ay hindi pa rin naiisip ni Lovi ang kasal kung sakaling may karelasyon siya dahil katuwiran niya, hindi ito ang sagot o dahil pressured siya kaya kailangan niyang magpakasal. Kapag nakilala na ng dalaga ang tamang tao para sa kanya saka niya iisipin ito.

And would you believe, okey lang daw siyang magpakasal sa edad na 50 sa tamang lalaki kaysa magpakasal nang bata sa maling tao?

Napaka-interesting ng kuwento ng The Annulment at siguradong maraming makare-relate sa pelikulang ito ni direk Mac Alejandre na produced ng Regal Entertainment Inc.

Parte rin ng cast sina Laura Lehmann, Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore with Johnny Revilla at Ana Abad Santos.

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …